WALANG pangalang binanggit si Annabelle Rama sa litanya niya sa Twitter bilang pagkampi kay Senador Manny Pacquaio.
Eh nitong nakaraang mga araw, ang isa sa aide ni Sen. Pacquiao na si Jake Joson ang bumangga sa kanya base sa interviews niya.
Sa isang tweet ni Annabelle, lalong tumindi ang espekulasyon ng netizens na si Jake ang pinatatamaan niya.
“Actor ka? Never heard producer ka? Kaninong pera ang ginamit mo kay Sen MP? Haha. Extra ka lang Dong sa pelikula.”
Nakalabas na rin sa movies si Jake bago naging malapit sa senador. Tahimik naman ang senador sa akusasyon sa kanya kaya ang abogoda niya ang sumagot kay Jake.