Saturday , April 19 2025
Julie Anne San Jose, GMA Christmas Station ID 2021

Julie Anne nanguna sa GMA’s Christmas Station ID

Rated R
ni Rommel Gonzales

PASKONG-PASKO na nga sa Kapuso Network dahil ipinalabas na nitong Linggo sa All-Out Sundays ang lyric video ng GMA Christmas Station ID (CSID) 2021 jingle na pinamagatang Love Together, Hope Together

Pagmamahal at pag-asa ang tema nito.

“Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan. Kaya naman sa muling pagsapit ng Pasko, nakangiti natin itong sasalubungin, at hawak-kamay nating haharapin ang bagong umaga,” lahad ng GMA. 

Muling nagsama ang mahuhusay na Kapuso singers na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita DanielaChristian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Mark Bautista, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin, XOXO, Thea Astley, Garrett Bolden, pati na rin sina Arra San Agustin, Faith Da Silva, at Ms. Lani Misalucha. 

Nakaka-LSS at catchy nga naman ang bagong Christmas jingle kaya siguradong nasa playlist na ito ng maraming Pinoy ngayong Kapaskuhan. 

At siyempre, habang nag-aabang ang maraming fans sa magiging itsura ng Christmas Station ID ng GMA, panoorin muna nila ang lyric video.

About Rommel Gonzales

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …