SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Gretchen Barretto na hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na engage na at mag-aasawa na ang kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco.
Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Greta ang nararamdaman sa nangyaring engagement ng anak.
Sinabi rin nito na hindi siya makapaniwala na sa edad niyang 51 ay ihahanda na niya ang kasal ni Dominique sa longtime boyfriend nitong businessman na si Michael Hearn. “Planning my daughter Dominique’s wedding at age 51.”
Pag-amin pa nito sa video post niya habang imino-model ang pink dress, “I don’t know where and how to start.
“I never had one and never planned one ever.”
Sambit pa ni La Greta, “Tony Boy Cojuangco has repeatedly reminded me multiple times to allow our child to enjoy the process of planning.”
Malungkot man, kita naming excited si Gretchen sa planong pagpapakasal ng kanyang anak.