Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres, Kylie Padilla

Andrea & Kylie, mas mapasisikat ang GL kaysa young stars

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PARANG sina Andrea Torres at Kylie Padilla ang makapagpapatuloy ng naudlot na pagsikat ng GL (girls’ love) movie trend sa bansa. Nagsimula na ‘yon last year na ang mga bida ay mga young star kaya’t light at pangkabataan ang mga istorya ng lumabas na mga pelikula. 

Adult GL ang kasalukuyang ipinalalabas na seryeng BetCin sa WeTV dahil nga adult actresses na sina Andrea at Kylie. 

Marami talagang lesbian sa bansa, kabilang na ang mga may asawang lalaki at may mga anak. Si Iza Calzado ay naging tampok na bituin sa  Distance, na tungkol sa buhay ng isang lesbian bilang asawa at ina at bilang lesbian na may lover na babae. 

Si Perci Intalan ang nagdirehe ng pelikula na naging entry sa Cinemalaya

Naging malapit na malapit na magkaibigan sa tunay na buhay sina Andrea at Kylie sa paggawa ng serye. Isang pagkakaibigan na mabuti naman ay ‘di naiisip ng mga balahurang netizen na bansagang true-life woman-to-woman romance. 

Actually, maganda ang epekto ng friendship nila batay sa mga pagsasalita at kilos nila sa mga interbyu sa kanila ng sabay o solo para i-promote ang serye. Lumabas ang sense of humor nila, ang pagiging vibrant (bibo) nila. 

Naging masyadong seryoso ang projection nila noong panahong ang kinukulit sa kanila ay failed relationships nila: si Andrea kay Derek Ramsay at si Kylie kay Aljur Abrenica

Pareho rin silang strong and independent type of women kaya marahil mabilis nabuo ang magandang samahan nila on- and off-cam.

Puring-puri nila ang isa’t isa sa pagkakapareho at pagkakaiba ng personalidad nila.  

Malamang na marami pang aspeto ng malalalim nilang personalidad na mapapalutang nila, lalo pa’t napaka-articulate pala nila. 

Pwede pa siguro silang alukin ng isang Adult GL series o isang adult GL movie. Pwede na rin silang alukin sa very serious roles na pwede nilang talakayin sa promo and publicity interviews sa paraang may sense of humor. 

Needless to say, naka-recover na sila from their failed relationships. Magkaibigan na nga sina Kylie at Aljur na parang kuntento na sa relasyon nila ni AJ Raval. 

Si Andrea naman ay nagsimula na ring makipag-date sa mga ‘di-taga-showbiz na, happily, ay ‘di-mahilig mag-post ng private life nila sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …