Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz, Alvin Professional Skin Care

SIKRETO NI FRANCINE SA MAGANDANG MUKHA IBINAHAGI

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA isang tsikahan sa miyembro ng Gold Squad na si Francine Diaz, inamin nito na bata pa lang siya, napaka-simple lang ng naging regimen niya sa pag-aalaga sa kanyang sarili, lalo na sa mukha.

Sabon at tubig lang.

Kaya naman, nang magdalaga na siya at nagsimula ng magsilabasan ang mga tsismis sa kanyang mukha gaya ng mga taghiyawat at iba pang mga bagay na toxic na tumatabon sa ganda ng mukha, natutunan na niyang alagaan ito.

“Kaya lang po, kahit na soap and water lang ang ginagamit ko sa mukha ko, kahit maya’t kaya ko siyang gawin, mayroon pa ring naiiwan na dumi sa mukha ko.”

Kaya ang pagdating ng Dr. Alvin Professional Skin Care sa buhay ng dalaga eh, isang blessing.

“Isa sa ipinagpe-pray ko noong nandito na ako sa showbiz eh, ang magkaroon ako ng ieeendosong skin product. Na personal ko ring magagamit.”

Sa rami ng pinagpilian nila para muling sumakay sa pagpo-promote ng mga produkto nila gaya ng patok na patok na Rejuvenating Set, sinabi ni Dr. Alvin Matulak na hindi lang ang pisikal na ganda ni Francine ang nakahikayat para kunin nila ang serbisyo nito kundi ang pagiging confident nito, simple, ang kababaang-loob at mga ugaling nagustuhan nila nang makilala ito.

Twenty three years na pala sa negosyo ng pagapaganda ang Dr. Alvin. At pinatototohanan na sila ang kauna-unahang nabigyan ng FDA approved sa produkto ng pagpapaganda. 

Seventeen years old pa lang si Francine kaya parang hindi raw yata bagay na rejuvenating set of pampa-beauty ang bitbitin nito.

Say ni Dr. Alvin at ni Francine na rin, may iba’t ibang set para sa sari-saring edad ang rejuvenating set na sinasabi. 

Kaya ang mga nasa edad ni Francine ay lalo lang maaalagaan ang kanilang balat kapag ginamit na ito.

May mga hinahangaang kagandahan si Francine sa balat ng showbiz dahil sa taglay na magagandang mukha ng mga ito. Sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Anne Curtis.

Tawang-tawa si Francine, na inaantabayanan ang journey sa karakter niya as Joy sa Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya dahil nabuking ang kapilyahan niya noong kabataan niya.

“Naging tamad. ‘Pag pinaghihilamos na o kaya inuutusan ng maligo, hindi agad sumusunod at minsan nakakalimutan o hindi na nagagawa. Kaya lesson learned sa akin now para all the more na alagaan ko not just my face but my health and hygiene. Kaya isa sa goal ko ‘yan na na naka-focus ako. Noong mataba ako, magpapayat daw ako. Noong pumayat naman ako magpataba raw ako. So, in whatever I do, sarili ko na ang susundin ko.”

Si Francine ang bagong endorser ng matagal na sa merkadong Dr. Alvin. Nauna na sina Joshua Garcia at Kiera Balinger.

At least, ang hindi maalaga sa balat niya na nakakalimutan pa ang pagligo ay nakahanap ng katapat niya na tuloy-tuloy na mag-aalaga sa kanya para lalo pang umangat ang kagandahan.

May nagsabi nga na pwede siyang sumali sa beauty pageants. And be a beauty queen. Tinutulan lang ang pagsasalita ng patapos ni Francine na hindi ‘yun para sa kanya.

Sa ngayon, hindi talaga o wala sa hinagap niya na asamin ‘yun.

Kung sabagay, ang maging endorser ng beauty product eh, ipinagdasal niya. At eto na nga.

Malamang may iba pa siyang gusto pang ipanalangin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …