Thursday , November 21 2024
No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

Sa mga driver: Kung may disiplina, walang multa sa NCAP

BULABUGIN
ni Jerry Yap

INILUNSAD kamakailan ng butihing Quezon City Mayor Joy Belmonte ang “No Contact Apprehension Program”  o NCAP.

Ito ay isang makabagong pamamaraan ng paghuli sa mga lumalabag ng batas trapiko sa pamamagitan ng mga high-tech na camera na naka-install sa iba’t ibang lugar sa siyudad.

Ang mga high-tech camera ay may kakayahang makunan nang malinaw na retrato ang mga plaka ng mga sasakyang ang driver ay lumalabag sa batas trapiko, pampubliko man ito o pribado.

Itong NCAP ay naisagawa sa ibang siyudad at kitang-kita ang kaibahan ng sitwasyon ng trapiko sa mga nasabing lugar na higit na napabuti. Mapapansin na naging mas disiplinado ang mga driver sa mga siyudad na nagpapatupad ng NCAP, sa takot na matiketan at pagmultahin kapag sila ay nahuli.

Ang kadalasang mga nahuhuli ng camera ay beating the red light, pag himpil sa pedestrian lane at yellow box, at ang counterflow.

Itong programa na ito ay akmang-akma sa uri ng pamunuan ni Mayora Joy dahil layunin ng alkalde na maiayos ang ekonomiya ng kanyang siyudad habang nagtatayo ng mga impraestruktura sa ikauunlad ng mga mamamayan.

Ayon sa datos noong 2019, tinatantiyang nasa P3.5 bilyon ang nawawala dahil sa matinding trapiko. Kabilang na rito ang krudong nasusunog, ang oras ng empleyadong late sa pagre-report sa trabaho, at ang halagang ng mga pinsalang naidudulot ng mga aksidente sanhi ng mga pasaway na driver.

Sa lawak ng Lungsod ng Quezon, kahit gaano karaming traffic enforcer ang italaga sa mga pangunahing lansangan, hindi pa rin maiiwasan ang aksidente at trapiko dahil sa tahasang paglabag sa batas ng mga driver na lubos ang pag-aakala na hindi sila masasakote.

Ayon sa MMDA noong 2020, nanguna ang Quezon City sa pagkakaroon ng mahigit sa 50,000 pinsala dulot ng mga aksidenteng pantrapiko.

Ngayon, dahil sa NCAP, sigurado na ang pagbaba ng mga aksidente sa Lungsod ng Quezon. Luluwag na din ang mga lansangan dahil aayos na ang pagmamaneho ng mga driver at hindi na hahambalang sa mga interseksiyon na nagiging dahilan ng pagbabara at kalaunan ay pagtindi ng trapiko.

Walang pinipili ang NCAP sa paghuli ng traffic violators hindi katulad nang dati na nadadaan sa palakasan ng mga VIP ang iwas-huli. Lahat huli at walang lusot!

Napapanahon din ang paglulunsad nitong NCAP upang mabawasan ang face-to-face exposure ng traffic enforcers sa mga driver na maaaring magdulot sa kanila ng kinatatakutang CoVid-19.

Kaya ‘t sa mga nagdadahilan pa riyan at ayaw ng progresibong sistema tulad ng NCAP, aba ay hindi aabante ang Filipinas sa mga ganyang pag-iiisip. Simple lang naman ‘yan, kung may displina, walang multa, ‘di ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …