I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGBABALIK na this week si Maine Mendoza sa Eat Bulaga. Tiyak na matutuwa ang fans niyang nagtatanong kung bakit hindi masyado napapanood ang idolo sa noontime show.
Ayon sa management ni Maine na Triple A, nasa isang lock in taping siya kaya hindi napapanood sa Bulaga.
“Kailangan may rest ‘pag galing sa ibang taping bago po payagan sa lock in ‘EB’ taping. Strict po ang protocols,” saad ng isang taga-Triple A.
Imagine, bukod sa Bulaga, tatlo pa ang shows ni Meng –Daddy’s Gurl, #Maine Goals, at PopPinoy. Bukod pa riyan ang endorsements niyang ginagawa.
Sa nagtatanong pala tungkol sa Pop Pinoy, grand finale na sa November 7, 7:00 p.m. sa TV5 at malalaman na ang Pop Dreamers na magiging bahagi ng Triple A management.