SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAY bagong magpapasaya sa ating mga morning simula October 18, Lunes, 8:00 a.m., ang TV-radio experience na hatid ng NET25, ang Ano Sa Palagay N’yo? nina Ali Sotto at Pat-P Daza.
Tatapatan ng Ano Sa Palagay N’yo? ang mga komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalaking broadcasters ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.
Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.
“Maipararamdam natin na first and foremost, Filipino tayo,” sambit ni Ali.
“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least mayroon tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat-P.
Tiyak na very light at naiintindihan ng lahat ng tao ang talakayan nina Ali at Pat-P.
Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 a.m., sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5. Makibahagi rin sa talakayan.Mapa-politika, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan. Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtubechannel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.