Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rocco Nacino, Jin Goo

Rocco, Jin Goo ng ‘Pinas

Rated R
ni Rommel Gonzales

MANALO o matalo, isang malaking karangalan kay Rocco Nacino na maging nominado bilang Best Drama Supporting Actor sa 34th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Oktubre.

“Whatever the result, ako ay masayang-masaya na naisama roon [sa mga nominado].”

Napansin ng PMPC ang kahusayan ni Rocco sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Descendants Of The Sun na gumanap siya bilang sundalong si Diego Ramos o Wolf.

Patuloy pa ni Rocco, “It felt so good para maranasan ko ‘yan at maramdaman. Kaya noong i-sinend sa akin ng mga program manager, ng bosses, ‘yung photo of the nomination certificate, it felt so good to see something na I felt appreciated with Diego Ramos’ character.

“Malapit na malapit sa akin ‘yung ‘Descendants Of The Sun’ kaya nagpapasalamat ako kay God na ginawa niyang ganito ng itsura ko kaya nakuha ko ‘yung role at kamukha ko raw si Jin Goo.”

Malaki ang pagkakahawig physically nina Rocco at Jin Goo na gumanap sa orihinal na papel na ginampanan ni Rocco.

“Kaya kung may papasalamatan po talaga ako, iyon ay ‘yung aking kapatid sa Korea, siya po talaga ang may dahilan niyan,”  biro pa ng Kapuso actor.

“The nomination itself is already an award para sa akin. 

“At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso Network.

“And it’s beautiful to know na, ‘Wow, sa tingin nila kaya kong masama sa category na ‘yun!’

“So it’s very motivating. It’s, anong tawag dito, nakakakaba siyempre na makita ‘yung mga pangalan na ‘yun kasi mabibigat na mga pangalan ‘yung kasama ko po and it’s actually an honor.”

Napapanood bilang male lead si Rocco sa To Have And To Hold sa GMA Telebabad. Gumaganap dito si Rocco bilang si Gavin Ramirez, kasama sina Max Collins at Carla Abellana. Mula sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Kasama rin ditto sina Luis Hontiveros, Athena Madrid, Valeen Montenegro, Gilleth Sandico, Roi Vinzon, Bing Pimentel,at Ina Feleo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …