Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Aunor, PMPC Star Awards for Music

Ashley Aunor, nagwala nang manalo sa PMPC Star Awards for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng mahusay na singer/songwriter na si Ashley Aunor ang sobrang kasiyahan sa natamong dalawang awards sa katatapos na 12th PMPC Star Awards for Music.

Ang dalawang awards na nasungkit ni Ashley ay ang Novelty Song of the Year at Novelty Artist of the Year para sa kantang Mataba, mula Star Music.

Ito ang FB post ni Ashley nang manalo sa Star Awards:

AHHHHH!!!!!!  So… I FRIGGIN’ WON 2 STAR AWARDS FOR MATABA. Thank you PMPC! THIS IS DEFINITELY ALL YOU GOD. I WILL NEVER GET TIRED OF THANKING U LORD FOR EVERYTHING. Thank you to my family and Star Music fam thank you for believing in my advocacy and music.

These go out for all women! Our physical body doesn’t define our worth. GO AFTER YO PASSION YALL AND DONT GIVE A CRAP ABOUT WHAT PEOPLE HAVE TO SAY ABOUT YOUR LOOKS!! WE GOT DIS!

Go @aunorableproductions!!

Sa aming tsikahan thru FB, nabanggit ni Ashley nang na-nominate pa lang siya sa Star Awards for Music ay sobrang natuwa na siya.

Aniya, “Nomination pa lang, natuwa na po ako! Sobrang happy na ako roon. Wala akong expectations talaga na manalo at all. Sabi ko kay God, “Whatever happens will be meant to be.”

“‘Yung ini-announce na ako pala ang nanalo sa two awards pa, agad-agad nagwala ako on the spot! Akala ko nasa dream ako sa sobrang gulat! Nagwala po ako sa tuwa sa bahay, tapos sumayaw sa sala nang todo kasama mga, chihuahuas ko. Hahaha!”

Anong sabi ng kanyang mom na si Ms. Lala Aunor at Ate Marion sa pagkapanalo niya? “Natuwa si Mom and Ate Marion at sobrang proud daw sila sa akin. May sagot na raw prayers ko kay God. Palagi silang supportive sa lahat ng bagay. I love them!” Masayang pakli pa ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash.

Nabanggit din niyang mas magiging inspired siya dahil sa parangal na ito. 

“A big reminder (siya) na ituloy-tuloy ko, i-follow ‘yung passion ko and dream ko kahit anong mangyari. I know within myself na this is just the beginning. I’m grateful everyday and i-claim ko, na marami pang surprises si God sa career ko and life in general. God is always there for us and I’m very thankful,” pakli pa ni Ashley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …