Friday , November 22 2024
Karla Estrada, Tingog

Kathniel’s fans hindi konsintidor sa pagiging ‘ingrata’ ng ina ng aktor (Sa paghahain ng CONA ni Karla Estrada)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

IBANG klaseng manindigan ang fans ng love team na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel dahil ipinakita nilang hindi sila bulag sa paghanga sa dalawang sikat na aktor ng ABS CBN.

        Nitong Biyernes kasi, 8 Oktubre, huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa regular na posisyon, at certificate of nomination and acceptance (CONA) naman sa mga nominado sa ilalim ng party-list system.

        Nagkataon na ang aktres na si Karla Estrada, ina ni Daniel, ay humabol sa huling araw ng paghahain ng kanyang CONA bilang nominee ng Tingog Sinirangan partylist na ang kasalukuyang kinatawan ay si Yedda Romualdez, ang kabiyak ni House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez.

        Dito inulan at bumaha sa Twitter ang #WithdrawKarlaEstrada.

Hindi pumabor ang KathNiels sa desisyon ni Karla na maging nominee ng partylist na Tingog Siniringan dahil ang mag-asawang Martin at Yedda ay kabilang sa 70 congressmen na bomoto ng “yes” para ibasura ang franchise renewal ng ABS CBN.  

        Para sa KathNiels, ang ginawang pagtanggap ni Estrada sa nominasyon ng Tingog ay malinaw na ekpresyon ng kawalan ng utang na loob o pagkilala sa tulong na ginawa ng ABS-CBN para i-promote silang mag-ina hanggang muling makabalik sa mainstream sa bahagi ni Karla, at pagsulong naman sa karera ni Daniel bilang matinee idol.

        Hindi ba’t isinama pa nga sa isang pang-umagang programa si Karla ng ABS CBN.

        Isang malaking break ‘yan para sa isang gaya ni Karla na matagal natengga ang career sa showbiz.

        Tsk tsk tsk…

        Kaya naman, bumilib rin tayo sa attitude ng majority ng KathNiels. Sana lang ay tuluyang ibinasura ni Karla ang kanyang CONA.  

        Dapat isaalang-alang ni Karla na sina KathNiel ay talents ng ABS-CBN, at ang pagbasura sa kanilang franchise renewal ay malaking pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag.

        Ang #WithdrawKarlaEstrada, ay mabilis na nag-trending sa Twitter na umabot sa top 2 spot.

        Sana’y pakinggan ni Karla ang KathNiels dahil kung hindi wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kahihinatnan ng kanyang desisyon.

        Choose wisely, Ms. Karla.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …