Saturday , November 16 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pasaway na drivers sa QC bilang na ang araw n’yo

BULABUGIN
ni Jerry Yap

BILANG na ang araw ng mga pasaway at palusot na driver na dumaraan sa Quezon City araw-araw dahil ilulunsad na rin ng lokal na gobyerno sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte ang “No Contact Apprehension Program” o NCAP.

Ang NCAP ay isang traffic management system na ang pasaway na driver/s ay huhulihin sa pamamagitan ng mga nakatalagang camera 24/7 sa mga lansangan.

Tiyak ang road safety ng mamamayan sa NCAP. Napaka-importanteng tandaan sa pagbiyahe sa lansangan, buhay ng mamamayan ang nakasalalay. Mapa-pribado o pampublikong sasakyan, malinaw ang batas tungkol sa responsibilidad ng isang driver na dapat sumunod sa mga batas at regulasyong pangtrapiko para maiwasan ang aksidente.

Napapanahon din ang implementasyon ng NCAP lalo ngayong pandemya dahil wala nang face-to-face interaction sa mga enforcer at hinuhuling driver. Wala na rin kotongan, ‘ika nga.

Pantay-pantay ang implementasyon ng batas-trapiko sa NCAP, walang mahirap o mayaman, basta’t nahuli ka ng camera na nag-beating the red light o kumanan habang naka-stoplight sa hindi dapat, makukunan ng kamera ang plaka ng sasakyan. Padadalhan ng NOV ang rehistradong may-ari ng sasakyan. Kaya paalala, kung naibenta mo na ang iyong sasakyan, aba’y asikasohin mo ang transfer n’yan para hindi ka magkaproblema.

Saludo kami kay Mayor Joy dahil naisipan na niyang ilunsad ang programang ito sa kabila ng mga palusot na kumokontra. Maraming gustong magmaneho sa kalsada pero ayaw akuin ang responsibilidad na dapat ay tangan ng isang nagmamaneho.

Hangad namin na maging matagumpay ang proyektong ito gaya sa ibang lungsod na talagang makikitang sumusunod ang mga driver kahit walang traffic enforcer. Ganyan nga ang napapansin ngayon sa mga siyudad na gumagamit ng NCAP, talaga namang bihira na ang humininto sa yellow box kapag stoplight. Ganyan ang disiplinadong driver, ‘di ba?

‘Yan ang kailangan ng ating bansa. Kaya mabuhay ang QC sa programang ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …