Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oposisyon vs Duterte lumalakas (Dahil sa Senate ‘plundemic’ probe)

101121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NIYAYANIG ng lumalakas na puwersa ng opisyon sa Davao City ang mga Duterte kaya hindi makapag­desisyon ang pamilya kung sasabak si Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential race o tatapusin ang termino bilang alkalde ng lungsod.

Ayon kay Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te, nakaapekto nang husto sa kredibilidad ng mga Duterte sa Davao City ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ‘plundemic’ probe.

Dagdag niya, hindi kursunada ng mga Davaoeño ang pagtugon ni Sara sa pandemya sa siyudad at ang leadership style na mahirap lapitan, taliwas sa ama na mada­ling kausapin ng mga ordinaryong residen­te.

“One, ang pag-handle ni Sara roon sa issue ng pandemic, pangalawa, apektado sila sa investigation, napa­pabalitang corruption sa loob ng gobyerno at mas heartbreaking ito kasi hindi lang ito ordinaryong pera, pera ito sana para maresolba ang pandemic. Lastly, iba ang leadership style ni Sara i-compare mo sa tatay niya,” ani Parreño sa panayam sa The Chiefs sa OneNewsPh.

Indikasyon aniya ito kung gaano kagulo at hindi magkasundo ang pamilya Duterte kung paano mananatili sa antas national habang dedepensahan ang Davao City bilang balwarte ng pamilya.

Aniya, ang gusto ni Sara ay tumakbo sa pagka-alkalde si Digong kung lalahok siya sa presidential race dahil malakas ang oposisyon sa Davao City na pinangu­ngunahan ni dating mayor Ben de Guzman.

May ‘tulog’ aniya ang mga Duterte kung si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Rep. Paolo “Pulong” Duterte lamang ang sasabak sa halalan.

“Gusto ni Sara, kung tatakbo siyang presidente, si Digong, tatay niya, ay dapat tumakbong mayor. Kung si Pulong lang o si Baste, may tulog sila ‘ika nga. Malakas ang opposition ngayon against Duterte family sa Davao. Lahat ay parang may kalaban. May kalaban si Pulong na malakas, may kalaban si Sara for mayor na malakas that’s Ben De Guzman at even the vice mayor. So paano kung matatalo sila at ganoon sila mawi-weaken sa Davao and yet hindi sila siguradong mananalo sa presidential election, so ‘yun ang mahirap na kinakaharap ng pamilya,” paliwanag ni Parreño.

May impormasyon umano siya na nakahanda na ang special power of attorney (SPA) ni Digong para ihain ang kanyang certificate of candidacy (COC) bilang mayoralty bet sakaling magpasya si Sara na maging presidential candidate.

“May SPA na raw si Digong para i-file ang COC niya for mayor. Of course senaryo, puwede namang mag-withdraw si Sara at mag-substitute kay Bato, for example.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …