INULAN ng samot-saring reklamo sa social media ang telecommunications company na Smart-PLDT.
Sa kanilang posts sa Facebook, idinaing ng mga subscriber ang umano’y palpak na serbisyo ng kompanya, kabilang ang napakabagal na internet na isinu-supply nito, madalas na pagkawala ng signal o connection, madayang promo, at hindi maaasahang customer service.
Ayon sa isang netizen, dahil sa kupad ng internet ng Smart-PLDT ay naaapektohan na ang online classes ng kanyang kapatid.
“Hrap tlaga pag gnyan! Nangyan! Pati nga pagoonline class ng kapatid ko apektado dhil sa madalas nlang sgnal putol putol.”
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga reklamo ng mga netizen laban sa Smart-PLDT:
“Angas hahah smart wala namang bago dyan mauumay na nga lang eh kase kahit walang ganyan mabagal naman talaga,” sabi ng isa pang netizen.
“Lagi nlang gnyan smart, kung di gnyan, under maintenance nman! HAHAHA pero wala pa rin nman inimproved! Jusko smart!”
“Dahil sa internet connection ng Smart na sobrang bagal at hina, baka mamaya matanggal pa ako sa trabaho neto dahil hindi ako nakaka-habol sa mga katrabaho ko.”
“Awit napapagalitan ako ng boss ko kasi bakit daw nawawala ako sa zoom meeting namin eh nadi-disconnect ako dahil mahina ang internet ano na Smart? Ayusin niyo na service niyo…”
“Mahal na nga yung load services niyo tapos nagloloko pa ang signal niyo paano naman kami makakaipon ng point kung kinakain ang points na naipon namin tapos bina-block pa ang data.”
“Totoo yang sinasabi mo jusko ang daming issue ng Smart nakakainis na panay ang kain sa load ko kahit kakapaload ko lang.”
“Nakakaloka talaga tong Smart na to. Mukang wala na talaga sila balak ayusin ang customer service and internet connection nila. Talaga namang hays! Aysus smart!”
“Napakabagal talaga ng respond ng smart pag may issues. Kaya nakakasawang magreklamo. Buti pang lumipat na lang sa ibang network.”
“Just wondering kung ako lang ba nakakaranas nito?? Halos no bar ang signal ko palagi sa bahay. Naka 4g nga nakalagay jan pero halos di nagloloading yung mga apps ko. Even calls and texts di na ako halos nakakareceive ng mga otp pag inoopen ko online banking ko? Hays. Pahirap ka smart ha.”
“Ano po mga possible na dahilan bakit na boblock ang sim sa tnt? Block na kasi yung sakin unlifb 150. salamat sa sasagot.”
“Anong nangyayare sa smart bat ganto ang aga aga naman neto ngayon lang ako magrereklamo kase sobra na po talaga eh nag avail ako nung UNLI na promo niyo pero ganto naman po sinukli saken ambagal po niya mag loading sa youtube at ibang site hays sana naman maayos to grabe perwisyo eh.”
“Grabe no? yung promo ng Smart mala ginto pero yung service nila hindi satisfying nakadedesmaya pa nga kase nagbayad ka ng mahal e edi expect mo na mabilis saka maayos ayun pala baliktad pa bulok at mabagal pala.”
“Kahit anong i load Mo sa Smart talagang hindi uubra. ang dami ng nasayang na load ko sa smart laging disconnect sa internet kung di disconnect mabagal naman ano na smart?”
“Sana hindi na lang naglabas ng promo ang Smart kung di naman pala magagamit. Sayang lang ang pera kasi kung hindi gumagana, mahina naman ang service or signal nila.”
“Ano kaya ang sense ng Unli Data kung may Data limit no? Nanloloko lang ‘yang Smart and TnT na ‘yan e magpapapromo sila ng Unli pero maboblock ka pag nasa Data limit kana.”
“Wala ‘yan ganyan din saken ng yare nag text saken wala naman sila ginawang paraan eh. Nakaka disappoint yung mga ganyang customer service. Walang kwenta.”
“Sana maayos niyo na ang problema Smart.. huwag lang puro promote ng services niyo sana naman marunong rin kayong makinig sa mga concern ng mga customers niyo …”
“Kung hindi nagloloko ang signal napakabagal naman ng connection.”