Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Andrea Torres

Andrea pinuri ang pagiging hands-on mom ni Kylie

Rated R
ni Rommel Gonzales

IKINAGULAT at ikinatuwa ni Andrea Torres na maganda ang pagtanggap ng publiko sa “loveteam” nila ni Kylie Padilla.

“Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even ‘yung mga kasama namin sa ‘BetCin,’ nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao,” umpisang pahayag ni Andrea.

Isang mini-series na may walong episodes ang BetCin na mga bida sina Andrea at Kylie. Palabas ito ngayong Oktubre sa WeTV at iFlix.

“Kasi ngayon, gumagawa na rin sila ng mga art work. ‘Tapos talagang nagpaparamdam sila. Happy na ‘yung set, pero mas lalo pang happy. Lalo kayong driven kasi nga nababasa niyo ‘yung mga ganoon.

“Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito ‘yung perfect comeback sa kanya.”

Kuwento pa ni Andrea, dahil isang tomboy sa serye si Kylie ay naging kamukha ito ng ama nitong si Robin Padilla.

“Bagay na bagay sa kanya, as in!

“’Tapos may mga anggulo siya na Robin Padilla. Mayroon talaga siyang anggulo. Sabi ko, ‘Kylie, kamukha mo ang Daddy mo,’” at tumawa si Andrea.

Hulyo ngayong 2021 nila ginawa ang BetCin at kakahiwalay lamang noon nina Kylie at mister nitong si Aljur Abrenica. At noong mga panahong iyon ay ganap namang naka-move on na si Andrea sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

Humingi ba o binigyan ba niya ng payo si Kylie kung paano mabilis na maka-move on?

“Hindi naman. Noong dumating siya, parang nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan. Kasi parang strong woman siya talaga.”

Ten years ago ay nagkatrabaho sila ni Kylie sa Blusang Itim ng GMA.

“Natutuwa ako sa kanya kasi siyempre, noong nakasama ko siya sa soap, saglit lang. Tapos nakikita ko siya ngayong magkasama kami sa lock-in, maya’t maya talaga siyang tumatawag sa mga kids niya.

“Hands-on talaga siya and she came prepared.”

Pareho sila ni Kylie na naka-focus, during their lock in taping ng BetCin, sa kanilang mga karakter bilang si Beth (Kylie) at si Cindy (Andrea).

“Okay na okay talaga siya. Ang gaan niyang kasama. Laging nakangiti, ang daling patawanin. 

“Wala siyang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya. Parang ang gusto niya, yung emotion talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …