Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon, Joshua Garcia, Julia Barretto, Yen Santos, Heaven Peralejo

Joshua kapareha ni Jane sa Darna; Julia, Heaven, at Yen bagay daw na Valentina

MA at PA
ni Rommel Placente

INANUNSIYO na ng ABS-CBN ang mga gaganap sa Darna: The TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon. Kapareha niya rito si Joshua Garcia, bilang si police officer Bryan Robles.

Ang iba pang kasama sa cast ay si Zaijan Jaranilla, na gaganap bilang si Ding, na nakababatang kapatid ni Narda/Darna.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Kiko Estrada, Iza Calzado, Rio Locsin, Richard Quan, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Mark Manicad, Young JV, Marvin Yap, Gerard Acao, Joj Agpangan, Tart Carlos, L.A Santos, Yogo Singh, at Zeppi Borromeo.

Wala pang inanunsiyo ang Kapamiya Network kung sino ang gaganap bilang Valentina, ang karakter na may mga ahas sa ulo.

Pero maraming nagsuhestyon na mga netizen na pagpilian na lang sina sina Julia Barretto, Yen Santos o ‘di kaya’y si Heaven Peralejo.

Pakinggan naman kaya ng ABS-CBN ang suhestiyon ng mga netizen? Kunin nga kaya nilang Valentina ang girlfriend ni Gerald Anderson, kahit umalis na ito sa kanila at lumipat sa Viva? Or ibigay nila sa isa kina Yen at Heaven ang role na Valentina? Or baka wala naman sa tatlo ang pagpilian nila at may ibang aktres silang napili para sa nasabing role?

Well, abangan na lang natin kung kanino mapupunta ang role na Valentina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …