Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Illuminada Sebial, Pharmally, Money

P4k ibinayad ng Pharmally sa accountant

APAT na libong piso lamang ang ibinayad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kanilang external auditor para pirmahan ang financial statement ng kompanya na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Inamin ni Illuminada Sebial, external auditor ng Pharmally, tumanggap siya ng P4,000 mula sa kompanya para sa isang beses na trabahong paglagda sa financial statement ng kompanya sa SEC at hindi niya binusisi ang mga detalye ng dokumento.

“Magkano po ang suweldo sa inyo? One time lang kamo?” tanong ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon kay Sebial.

“P4,000 po,” tugon ni Sebial.

Nahabag si Gordon sa kakarampot na P4,000 kinita ni Sebial sa Pharmally at ngayon ay napasama pa sa kinasasangkutang anomalya ng kompanya.

“I really sympathize. Sorry, maiipit kayo rito. Sana makatulong na kayo, kung maaari. Ni hindi kayo kilala ng presidente n’yo na si (Pharmally president) Twinkle (Dargani),” ani Gordon.

Itinanggi ni Pharmally president Twinkle Dargani na kilala niya si Sebial.

Sa nakaraang mga pagdinig ng komite, binalaan ng mga senador na posibleng matanggalan ng lisensiya si Sebial bunsod ng pakikipagsabwatan sa Pharmally.

Ayon kay Sebial, humingi siya sa Pharmally ng kopya ng mga dokumento na ipinasusumite sa kanya ng Senado ngunit ayaw siyang bigyan ng kompanya.

“Kasi ako nag-audit po one time lang po tapos ngayon na naghihingi ako ng mga documents, ayaw na po nila magbigay,” aniya.

Dahil dito, naglabas ng subpoena ang komite sa chief accountant ng Pharmally na si Jeff Mariano at ipinasusumite ang mga dokumento tulad ng “deeds of donation on P33 million donations by Pharmally; documents to support the sales of P7,485,401,046; documents to support the cost of sales of P7,092,274,180; at documents on the assets in foreign currency, which generated and realized foreign exchange gains of P63,232,031.”

SPECIAL AUDIT

KINOMPIRMA ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo sa komite na sinimula na ng COA ang special audit sa paggamit ng pandemic funds, batay sa kahilingan ng mga seandor.

Tantiya ni Aguinaldo ay matatapos ang special audit bago matapos ang taon.

Ang 2020 COA report na pumuna sa dispalinghadong paggasta ng pandemic funds at ang paglipat ng Department of health (DOH) ng P42-bilyong pandemic response funds sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) nang walang memorandum of agreement ang nagtulak sa Senado na imbestigahan ang isyu. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …