I-FLEX
ni Jun Nardo
ABANGERS na ang televiewers at netizens kung totoo ang kalat na kalat nang balita na lilipat si Kim Atienza sa GMA Network.
Walang nagbigay ng kompirmasyon sa amin mula sa GMA tungkol sa balitang paglipat ni Kim. Pero sa social media accounts ng Kapuso Network, may teaser ads na sila kaugnay ng paglipat ni Kuya, huh!
Eh sa balitang paglipat ni Kim sa GMA, naging trending sa Twitter ang hashtag na Mang Tani. Si Mang Tani ang taga-report ng panahon sa news programs ng GMA particularly sa 24 Oras.
Sa comments sa Twitter, nalaman naming nag-migrate na si Mang Tani sa Australia. Mababakanate ang puwesto niya sa news programs. October 4 daw ay simula na nang paglutang ni Kuya Kim sa GMA.
Sa totoo lang, hindi na bago sa mga Atienza ang mapabilang sa GMA Network dahil ang tatay nilang si Cong. Lito Atienza ay may programang Maynila sa network ng maraming taon.