COOL JOE!
ni Joe Barrameda
WALANG ibang hangarin si Film Academy of the Philippines o FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra kung hindi ang muling mabuksan ang mga sinehan.
Sa ngayon kasi ay hindi pa bukas ang mga sinehan dito sa Pilipinas dahil nga sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pero naniniwala si Chair Liza na sa nalalapit na panahon, mae-enjoy na nating muli ang panonood sa loob mismo ng sinehan.
Ibang-iba rin naman kasi talaga ang pakiramdam kapag sa sinehan mismo nanonood ng pelikula, malayong-malayo sa panonood online sa computer o telepono.
Patuloy ang pakikipag-usap ni Liza sa IATF o Inter-Agency Task Force ng Department of Health para masolusyonan agad-agad ito dahil maraming mamamayan, kabilang na kami, ang nananabik na muling makapasok sa loob ng sinehan.
Sa pagkakaalam namin, sa ilang mga bansa, bukas na ang sinehan sa mga taong fully vaccinated na. Rito sa atin, abang-abang tayo kung paano isasakatuparan ito.
Samantala, ipinagdiwang ng FDCP ang pinakaunang Philippine Film Industry month na may temang, Ngayon Ang Bagong Sinemula, na isang taunang month long celebration na ginagawa ng FDCP para ipagdiwang at alalahanin ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema.