Friday , November 22 2024
DoE, Malampaya

DOE kinastigo ni Gatchalian (Sa Malampaya contract)

MARIING binalaan ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) sa posibilidad na pagpasok ng gobyerno sa isang ‘midnight deal’ kaugnay ng pagpapalawig sa service contract ng Malampaya project na magtatapos sa 2024.

Nangamba si Gatchalian sa gitna ng naganap na bentahan ng shares ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), ang operator ng Malampaya gas field project, sa Malampaya Energy XP Pte Ltd.

Ang Malampaya Energy XP Pte Ltd., ay isang kompanyang nasa ilalim ng Udenna Corp., pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy. 

Ikinabahala ni Gatchalian ang aniya’y ‘napabilis’ na negosasyon nang pumasok sa eksena ang Udenna gayong walang nakuhang kasiguruhan ang Shell sa Department of Energy (DOE) mula noong 2016 kung palalawigin ang Malampaya o hindi na.   

“Hindi talaga maiaalis sa isip na baka magkaroon ng midnight deal dahil 2016 pa lang, gusto na itong i-renew ng Shell. Alam ko ‘yan at saksi ako riyan. Ngayong pumasok sa eksena si Udenna, biglang bumilis ang negotiations,” ani Gatchalian.

Mula sa preliminary negotiations para sa posibleng extension ng service contract (SC) ng Malampaya natural gas field noong 2019, sinabi ng mga opisyal ng DOE na nagsimula ang mas seryosong negosasyon nito lamang kalagitnaan ng taon at nagbuo kaagad ng isang negotiating team.

Para kay Gatchalian, Senate Energy Committee Chairperson, nakaaalarma na nakikipagnegosasyon na ang Malampaya Energy sa gobyerno samantalang hindi pa naisasapinal ang pagbili nito sa shares ng SPEX sa Malampaya.

Kasama sa mga pinag-uusapang kondisyon ang

70-30 royalty sharing na pabor sa gobyerno.

“Premature at unethical para sa Malampaya Energy na makipagnegosasyon sa gobyerno,” pagdidiin ni Gatchalian.

Kinuwestiyon din ni Gatchalian ang DOE sa pag-amin nitong nagkaroon ng “insufficient foundation for legal basis” noong nabili ng kompanya ni Uy ang 45% stake ng Chevron sa Malampaya.

Kung tuluyang maaaprobahan ang pagbili ng Malampaya Energy sa 45% stake ng SPEX, magiging 90% na ang stake ng Udenna sa Malampaya project. 

“Hindi ako papayag na ang sinasabi ninyong insufficient foundation for legal basis na nangyari noong nabili ng Udenna ang shares ng Chevron sa Malampaya ay gagawin din ninyo sa Shell. Papanagutin ko kayo lalo na’t ang shares ng mismong operator ng Malampaya ang pinag-uusapan dito. Papanagutin ko din kayo sa Udenna-Chevron deal,” babala ni Gatchalian sa DOE.

“Bilang mga Filipino, nais natin ng operator na qualified, may sapat na kakayahan, at makapagbibigay ng kasiguruhan nang tuloy-tuloy na supply ng gas sa mga planta. Bilang isang konsumer, hinihiling ko sa DOE na manaig sa kanila ang integridad at due diligence upang hindi makompromiso ang supply at presyo ng enerhiya sa bansa,” pagtatapos ni Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …