Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anupam Tripathi, Chris Chan, squid game

Indian at Pinoy actor bida rin sa Squid Game

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

LAGPAS sa 400 ang contestants sa blockbuster na Squid Game sa Netflix pero parang iisa lang sa kanila ang Pakistani na ang gumaganap ay ang Indian actor na si Anupam Tripathi

Abdul Ali ang pangalan ng character ng Pakistani na napakainosente ng dating. Napilitang sumali sa kompetisyon si Abdul dahil niloko siya ng employer n’ya na laging dini-delay ang suweldo n’ya. May asawa at isang anak na si Abdul. Halos lagi siyang nakangiti kahit na mahirap ang buhay n’ya. 

Halos US$34-M ang premyo sa kompetisyon sa istorya ng serye na fiction lang naman. 

Itinuturing na major ang papel ni Anupam sa serye na may siyam na episodes. 

Thirty-four years old na si Anupam at sampung taon na siyang namumuhay mag-isa sa South Korea. Nasa New Delhi, India pa rin ang pamilya n’ya. Walang ulat kung may asawa na siya o may ka-live in man lang. 

Naging artista at singer na siya sa India bago siya sumugod sa South Korea noong 2010 para mag-aral at makakuha ng break sa pelikula at TV na mas malaganap na industriya roon kaysa India. Actually, nakatanggap siya ng scholarship sa Korea National University of Arts. 

Noong 2014 siya unang nagka-break sa Korean entertainment. Ito ay sa pelikulang Ode to my Father.

Bago ang Squid Game, nakalabas na siya sa ilang TV and movies including Hospital Playlist season one, Taxi DriverArthdal Chronicles, at Descendants of the Sun

He revealed in a media interview that when Squid Game was released and competed for the top rankings in India, the people who were most happy were his family. 

“My mother and brothers are both proud of me. I was convinced that what I was doing was a good thing. However, my father, who passed away in 2017, would have liked it if he had seen it, but it’s too bad,” he said. 

Anupam is currently finishing his master’s degree in acting at nakatakda palang siyang magsimulang gumawa ng kanyang thesis. 

Pahayag pa n’ya: ”Still, I am the happiest today in my 11 years of living in Korea.

“Someday, I want to appear in an authentic historical drama for the first time as a foreign actor. I will break the limit of being a foreigner and show various charms.” 

May Pinoy actor din sa Squid Game pero ‘di tunog Pinoy na Pinoy ang screen name n’ya, si Chris Chan. Siya ‘yung Player 276 sa Squid Game

‘Pag wala si Chris sa harap ng kamera, English teacher siya sa South Korea. ‘Yon ang orihinal na trabaho n’ya roon. 

Nakaganap na si Chris sa Korean films na Space Sweeper and The Negotiation, pati na sa mga seryeng Crash Landing On YouThe King: Eternal MonarchItaewon Class, Jealousy Incarnate, Her Private Life, at My ID Is Gangnam Beauty.

Itinuturing ni Chris ang sarili n’ya na isang “Pinoy Explorer in Korea.” Lahad n’ya sa isang post sa social media: ”I’m passionate about traveling and exploring new places, food and activities here in Korea. I like sharing and promoting Korea not just to my home country which is the Philippines but to the world too. 

“My main goal is for everyone to see the beauty and wonders of South Korea and how beautiful, safe and convenient it is to travel here.”

Samantala, mukhang nasa Pilipinas ngayon si Chris. May inilabas siyang mga litrato n’ya sa airport sa Pilipinas na may mga kababayan tayong kinukunan siya ng litrato at ‘yung iba naman ay nagpapakuha na kasama siya.  

‘Di binanggit ni Chris sa Instagram n’ya kung hanggang kailan siya rito sa Pilipinas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …