BULABUGIN
ni Jerry Yap
LABIS na nagtataka ang mga kaanak ng isang CoVid-19 patient sa Metropolitan Hospital kung bakit ayaw kilalanin ng nasabing ospital ang pagiging member ng pasyente sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na umabot sa P140,000 ang hospital bill.
Hanggang ngayon nagtatanong sila, ano ang dahilan bakit ayaw ng ospital na kilalanin ang PhilHealth ng pasyente?!
Hindi ba nagbabayad ang PhilHealth sa Metropolitan Hospital, kaya tinatanggihan nila ito?!
O dahil naideklara nilang may CoVid-19 ang pasyente pero P140,000 lamang ang tinakbo ng bill at hindi nila makukuha ang P700,000 inilalaan ng PhilHealth sa bawat CoVid-19 patient?
Marami tuloy ang lumalabas na espekulasyon sa ginawa ng Metropolitan Hospital.
Sana’y maipaliwanag ito ng pamunuan ng ospital kung bakit ayaw nilang tanggapin ang PhilHealth ng pasyente gayong malaking tulong ito sa isang taong sinalanta ng pandemya.
Magpaliwanag kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com