Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe, Benjamin Alves, Owe My Love

Owe My Love mapapanood na sa Netflix PH simula October 1

Rated R
ni Rommel Gonzales

TALAGANG mapapa-OML ang fans ng Team SenMig dahil mapapanood na nilang muli ang kilig, iyak, at tawa nina Sensen Guipit at Doc Migs sa Owe My Love. Magiging available na ito sa Netflix Philippines simula October 1. 

Ang hit romantic-comedy series ng GMA Public Affairs ay pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves. Umiikot ang kuwento sa pagtataguyod ni Sensen sa kanyang pamilya sa pamamagitan sa pagpasok sa iba’t ibang raket. Makikilala niya ang heart surgeon na si Doc Migs na nag-aalaga sa kanyang Lolo Badong. Sa pagku-krus ng kanilang landas ay magkakaroon ng utang si Sensen kay Doc Migs at habang binabayaran ito, ang sukli sa kanilang dalawa ay unti-unting nagiging pag-ibig. Bukod sa kilig at tawa ay marami rin itong hatid na financial lessons sa manunuod.

Kasama rin sa masayang cast ng Owe My Love sina Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy VIllar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at ang yumaong komedyante na si Mahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …