Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 hitman ‘dedbol’ sa target (Propesor nakaligtas sa ambush)

PATAY sa isang propesor na ‘target’ itumba, ang dalawang hinihinalang hired killer, nang mauwi sa barilan ang pananamabang nitong Martes ng hapon, 21 Setyembre, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay P/Lt. Col. Rommel dela Vega, hepe ng lokal na pulisya, nagmamaneho ang biktimang si Prof. Daud Kadon ng Mindanao State University – Maguindanao ng Toyota Fortuner patungong lungsod ng Cotabato nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking sakay ng isang motorsiklo dakong 5:00 pm kamakalawa.

Bagaman sugatan, gumanti ng putok si Kadon laban sa mga suspek na agad ikinamatay ng isa habang tuluyang binawian ng buhay ang kanyang kasama sa pagamutan.

Kinilala ni P/Lt. Dela Vega ang mga napaslang na suspek na sina Montano Usman ng bayan ng Talitay; at Abdul Mama ng Brgy. Tamontaka, bayan ng Datu Odin Sinsuat, pawang sa naturang lalawigan.

Ayon sa pulisya, kinuha na ng kanilang mga kaanak ang mga labi ng dalawang suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang motibo sa tangkang pamamaslang kay Kadon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …