BOSTON, MASSACHUSSETTS — Habang tinanggihan ang panukalang mamahagi ng booster jab ng mga bakuna laban sa CoVid-19 na gawa ng Pfizer at BioNTech, inirekomenda ng maimpluwensiyang Food and Drug Administration (FDA) advisory committee na bigyan ng ikatlong shot ng bakuna ang mga edad 65-anyos o higit pa at gayondin ang mga tinatawag na vulnerable individual.
“It’s likely beneficial, in my opinion, for the elderly, and may eventually be indicated for the general population. I just don’t think we’re there yet in terms of the data,” paglilinaw ni Boston Children’s Hospital vaccine and infectious disease specialist Dr. Ofer Levy.
Bomoto ang US FDA panel ng 16-2 laban sa pamamahagi ng mga bakuna para sa mga kabataang edad 16 anyos pataas, bago naman naging unanimous sa kanilang desisyon sa alternatibong plano para bigyan ng booster ang mga nakatatanda at yaong mayroong high risk sa severe illness o matinding sakit kung mahahawaan sila ng coronavirus.
Kasama dito ang mga taong may diabetes, heart disease, obesity at ibang pang tinatawag na comorbidity.
Kasunod ng sinasabing ‘nonbinding decision’ ng Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee ng FDA, sa deklarasyon ng adminsitrasyon ni US President Joseph Biden na nais mag-alok ng mga booster shot sa general public.
“While the FDA hasn’t always followed the advice of its committee, it often does, however, and a final decision could come in a day or two,” punto ni Levy.
Pending sa magiging desisyon, nagtakda ang US Centers of Disease Control and Prevention (CDC) ng dalawang-araw na pagpupulong para mapag-isipan ang pamamahagi ng third shot sa US mainland.
(Kinalap mula sa CNBC ni Tracy Cabrera)