KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
MATAPOS tumanggap ng mga karangalan at papuri ni Erik Matti sa Venice International Film Festival, tinarayan ng direktor ang Netflix at pinuri ang HBO Asia.
Ginawa n’ya ang mga ito sa kanyang Instagram at Facebook noong September 16.
Aniya tungkol sa Netflix: ”For a time, Netflix was the go-to platform. But when pandemic struck, they too undervalued our content. They’d buy our first-run films for dirt cheap because they know we didn’t have any choice.”
Binabarat daw ng Netflix ang pagpepresyo sa mga pelikulang Pinoy.
Actually, noon pa namin nauulinigan ang mga huntahan ng showbiz insiders na ‘di naman malaki ang kinikita ng mga producer na Pinoy sa pagbebenta nila sa Netflix ng streaming rights ng mga pelikula nila. Mas mabuti na raw ‘yon kaysa walang kita dahil sarado nga ang mga sinehan.
Pero walang taga-Pinoy film industry ang umangal openly sa pambabarat ng Netflix. Si Direk Erik lang ang walang takot na nagpahayag ng ganoon ngayon.
At parang wala ngang nagse-second the motion sa pagtatapat n’ya.
Pagbubunyag naman n’ya tungkol sa HBO Asia: ”We held back with ‘On The Job’ and didn’t sell until we found the right partner with HBO Asia, who valued our film more than what we thought we deserved.”
Panawagan ni Direk Erik sa Pinoy film producers: ”Producers should band together to make sure our films get the value and the distribution they deserve. Filmmakers should start getting more ambitious and tell stories that can be seen beyond our small market, and not just make films that figure out what works for the platforms that take pity on us and give us loose change.”
Binigyang-diin n’yang ‘di dapat ibenta ng producers ang pelikula nila sa barya-barya lang ang kita.
Ineengganyo rin n’ya ang filmmakers na ikuwento ang gusto nila at huwag maging sunod-sunuran sa kagustuhan ng mga kompanyang distributors ng mga pelikula.
Pahayag n’ya: ”Filmmakers should start getting more ambitious and tell stories that can be seen beyond our small market, and not just make films that figure out what works for the platforms that take pity on us and give us loose change.
“Now is the time when we could all tell the stories we can tell without being dictated by the templates the local studios and cinema chains have told us what we can only do.”
Inaamin naman ni Direk na malakas ang loob n’ya ngayon na deretsuhin ang Netflix dahil sa mga karangalan at papering natanggap ng On The Job: The Missing 8 sa Venice.
Aniya: ”No one wanted ‘On The Job then.’ But we can say, without sounding self-serving, that the Venice and HBO nod for this franchise, should industry insiders really look into it, is a game-changer.
“Not only did we get prestige, but we sold it at an amount where you actually feel the love for the work we sacrificed our time and money for.”