Monday , December 23 2024
Duterte Gun

Oplan tokhang ebidensiya sa ICC vs EJKs

092021 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ISUSUMITE ng mga abogado ng mga pamilya ng mga pinaslang sa Duterte drug war ang dokumento ng Operational Plan o OPLAN Tokhang sa International Criminal Court (ICC) bilang ebidensiya na naglunsad sa malawakan at sistematikong patayan sa isinulong na drug war ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Atty. Kristina Conti ng Rise Up, ang isa sa grupo ng mga abogado na tumutulong sa mga pamilyang naulila ng Duterte drug war, kailangan ng ICC malaman kung sino ang may kasalanan sa crimes against humanity of murder kaugnay sa Duterte drug war.

“Kami sa NUPL (National Union of People’s Lawyers at sa Rise Up, handa kaming magbigay o magpresinta ng original documents dito sa ICC. Statements o documents mula sa gobyerno kabilang na ang command memorandum na inisyu noong July 1, 2016 na itinuturo ng kalakhan maging ng gobyerno na parang ito ang dokumentong Tok­hang. Unang-unang dokumento patungkol sa Oplan Tokhang,” ayon kay Conti sa panayam sa DZMM Teleradyo kaha­pon.

Nasilip aniya ng kanilang grupo na sa dokumento ay may naka­saad na “to neutralize suspects” kapag hindi nakipagtulungan sa mga pulis, hindi pumayag na magbagong buhay o hindi pumasok sa drug rehabilitation center.

Sa mga police reports aniya matapos mapatay ng mga pulis ang drug suspects ay laging nakalagay na “we neutralized suspect.”

“Pero alam n’yo po may termino kaming napansin, ito ang word na ‘neutralize.’ Ito ang sinabi nila na gagawin, ‘to neutralize suspects’ kumbaga kung hindi makikipag-cooperate. Na-carry over itong termino na ito sa mga police reports.”

“At ang sabi sa police reports, ay we saw suspect , ito na lang paraphrasing , nakita namin ang suspect, meron siyang baril , nakita niya na kami ay pulis, at napilitan kaming luma­ban , binaril namin siya. Nauna siyang bumaril. Iyan ang unang elemento, siya ang unang bumaril, ang suspek, at binaril namin siya. And so we neutralized the suspect.”

Sa maraming police reports aniya, ‘yung “neutralize”ay  ginamit ng mga pulis sa konteksto na pinatay namin ang suspek.

“Kaya kung sasabihin may papel ba ‘tong patayan, ituturo pa namin iyon although it isn’t explicitly outright stated. Of course if you will not categorically say you will kill suspects during  police operations, buy bust operations, that’s illegal so we can question the constitutionality of the act in that document, kaya we have to read between the lines,” giit ni Conti.

Kaya ang koneksiyong ito’y inihapag nila sa Office of the Prosecutor para pag-aralan kung ano nga ba ang naintindihan ng pulis patungkol dito sa ‘neutralize’ o baka naman sa likod ng papel na ito may iba pa, sabi ni Conti.

Kapag nagmatigas aniya ang sangay ng ehekutibo na hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC, puwede naman mang­hingi ng tulong sa lehis­latura at hudikatura, sa Supreme Court at sa Commission on Human Rights (CHR).

“Kahit news reports puwede mag-rely ang ICC, ‘yung Office of the Prosecutor, para sabihin meron crimes against humanity sa Filipinas,” ani Conti.

Nauna nang tiniyak ng CHR na makikipag­tulungan sa imbestiga­syon ng ICC kahit idineklara ng Malacañang na hindi papapasukin ang mga imbestigador sa Filipinas.

Katuwiran ni CHR Commissioner Karen Dumpit, hindi kailangan ang pisikal na presensiya ng mga imbestigador dahil nagsasagawa naman ng open source investigations ang ICC.

“The ICC now does open source investigations that means there is also precedent using social media evidence in addition to like Zoom meetings in international criminal prosecution,” ani Dumpit sa After the Fact sa ANC kamakailan.

Inihalimbawa niya rito ang kaso ni Al Werfalli, isang Libyan military general, na akusado sa war crimes na isinailalim sa open source investigation at inisyuhan ng warrant of arrest kahit hindi siya nakipag­tulungan sa pagsisiyasat ng ICC.

Napaulat na ang ginamit na ebidensiya laban kay Werfalli ay ang pitong video na ipinaskil sa social media na nagpakita na pinatay o inutusan niyang pas­langin ang mga bilanggo sa Benghazi.

Matatandaan sa kaso ni Pangulong Duterte, ang mga pahayag niyang “I will kill you” sa mga drug suspects ay puwedeng maging pruweba laban sa kanya sa ICC, ayon kay Atty. Ruben Carranza, isang international law expert.

Kailangan aniyang ikonsidera ang mga resulta o mga nangyari matapos maglabas ng ganitong mga pahayag ang Pangulo at kahit itanggi pa ng Malacañang ay hindi mabubura ang katotohanan na sinabi ito ng Punong Ehekutibo.

“Incitement to crimes versus humanity is not a crime under Rome Statute, incitement that leads to killing is. These statements contributed to that may constitute indirect co-perpetrators by those who make the statement,” aniya.

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *