Wednesday , June 24 2026
BlueWater Day Spa 5
The brand’s leadership joins its ambassadors in marking a milestone moment. From left: BlueWater Day Spa Operations Manager Nancy Go, Choi Bo Min, Teejay Marquez, and President & CEO Mary Simisim during the 20th anniversary celebration at The Westin Manila.

Teejay Marquez at Choi Bo Min, sinabi mga gustong maka-bonding sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SINA Teejay Marquez at Korean actor na Choi Bo Min ang dalawang bagong brand ambassadors ng BlueWater Day Spa.

Last July 10, pormal nang ipinakilala ang dalawa bilang “new faces” of BlueWater Day Spa na 20 years na sa business. Ang launching ay ginanap sa Westin Plaza.

Dito’y nabanggit ni Teejay na nag-eenjoy siyang magpa-spa, partikular sa services na ito. “The Balinese Massage helps me recover after long days on set. I also love the Thai Yoga Massage, it stretches me out and re-balances everything.

“After that, ang sarap talaga ng tulog ko and I feel so healthy. Importante kasi na alagaan natin ang ating wellness. Hindi lang ito para mag-relax, kailangan talaga natin ito sa lifestyle natin, para maalagaan ang ating mga sarili.”

Sabi naman ni Bo Min, “Whenever I have a rest time, I usually like nature, somewhere in a quiet place. I also usually go to relaxation place or something to relax my body and have a body massage.

“The traditional Filipino massage was new to me but (it was) so good. I fell asleep halfway through. I’d also like to try the Korean HIFU treatment, it’s popular in Korea and helps define the face. That’s something I’m curious about,” wika pa niya.

Inusisa rin ang dalawa kung sino ang type nilang isama sa BlueWater Day Spa. Ang sagot ni Teejay, ang mga bossing daw ng BlueWater Day Spa. Si Bo Min naman ay umaming sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara ang mga gustong isama, if bibigyan siya ng chance.

Si Bo Min ay bahagi ng Kapuso ‘Beauty Empire’ TV series na sina Barbie at Kyline ang lead cast, kaya gusto niya silang maka-bonding habang nagre-relax sa spa.

Bilang bahagi naman ng afternoon promo sa 20th anniversary celebration ng BlueWater Day Spa, maaaring mag-avail ng 20% off sa selected services sa branches nila sa Greenhills, Banawe-Quezon City, and Estancia Mall-Pasig. Ito ay available hanggang September 17, 2025.

Anyway, sa naturang event ay present ang BlueWater Day Spa Operations Manager na si Nancy Go, at ang President & CEO nitong si Mary Simisim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …