Saturday , November 2 2024
No vaccine, No entry

‘No vaccination, No dine-in policy’ sa Cebu City, iimbestigahan ng DILG

BINUBUSISI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na pagpapairal ng “no vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang polisiya ay hindi aprobado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Aniya, inatasan nila ang DILG regional office sa Cebu na makipag-ugnayan kay acting Mayor Michael Rama para suriin ang ginagawa nila roon.

Sinabi ni Año, masyado pang maaga para sa lungsod na magpatupad ng ganitong polisiya dahil maliit pa lamang ang bilang ng mga bakunadong indibiduwal.

Nauna rito, nabatid na pinahintulutan na ng Cebu City government ang mga tao sa kanilang lugar na bakunado ng CoVid-19 na makapag-avail ng dine-in at personal care services, kahit isang dose pa lamang ng bakuna ang kanilang natatanggap.

Nabatid, sa target na 700,000 recipients ay 300,000 residente pa lamang ang nakatanggap ng first at second dose ng bakuna.

Dagdag ng acting Mayor, kung darating umano ang hinihiling nilang supply ng CoVid-19 vaccine sa Nobyembre, maaabot ng lungsod ang kanilang target vaccination number pagsapit ng Disyembre. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *