Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benepisaryo ng 10K ayuda nationwide, mahigit 10,000 na

BULABUGIN
ni Jerry Yap

ARAW-ARAW ay iba’t ibang ‘pasabog’ ang naririnig natin.

Halos marindi ang ating mga kababayan sa kaliwa’t kanan at walang habas na banatan ng ‘wannabes’ para sa 2022 elections. Puro kuda at dada ang ginagawa para umingay ang kanya-kanyang kampo bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa darating a-uno ng Oktubre.

Imbes magkaisa sa epektibong anti-CoVid-19 response, e kabi-kabila ang pagpapasabog ng mga baho ang mga kasalukuyang opisyal ng bayan.

Mayroon pang ang gimik ay angkinin lahat ng pagawaing bayan na pinondohan ng gobyerno.

Buti pa nga si dating Speaker Alan Peter Cayetano, solusyon sa mga problema ng bayan ang inaatupag at pinagkakaabalahan lalo ang kapakanan ng mga iginupo ng CoVid-19.

Halimbawa na rito ang kanyang programang “Sampung Libong Pag-Asa.” Aba e, hindi natin namamalayan umabot na pala sa 10,458 ang nakatanggap ng “10K ayuda” mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyadong BTS o Balik Sa Tamang Serbisyo.

At nationwide po ito, mula sa iba’t ibang sulok ng Filipinas ang mga nakatanggap ng 10K ayuda para khit paano’y makatulong at makaahon sa kanilang pagkakalugmok dahil sa pandemya.

        Sa totoo lang napakalaking tulong sa ating mga kababayan ng 10K ayuda batay sa success stories na ibinabahagi ng mga benepisaryo. Kaya nga hindi natin lubos maisip kung bakit hindi inaaksiyonan ng kongreso ang 10K Ayuda Bill nina Cayetano at ng mga kaalyado na noon pang Pebrero 2021 inihain sa Kamara.

‘Di ba dapat ito ang binibigyang prayoridad ng mga mambabatas lalo pa’t medyo malayo-layo pa ang ating lalakbayin para makatawid sa pandemyang ito? Pati nga ang ating mga bakuna ay kulang para sa ating mga kababayan.

        Sa totoo lang hindi nga lang ang 10K ayuda ang binibigyan ng diin ni Cayetano e. Kasabay kasi nito namimigay din siya at ang kanyang grupo ng P3,500 sa mga sari-sari store sa buong bansa na naapektohan din ng pandemya. Sa ngayon, 2,500 sari-sari stores ang nakinabang sa programang ito.

Pangunahing layunin ng 10K ayuda na maiahon hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang ating mga kababayan dahil sa pandemyang CoVid-19. Kabilang sa mga benepisaryo ng 10K ayuda ang ating mga kababayang nawalan ng trabaho at hanapbuhay, mga naluging malilit na negosyo, OFWs at seafarers, mga atleta at coaches ng sports community, entertainers at stand-up comedians, kawani ng food industry, Barangay Health Workers (BHW) at iba pang sektor ng lipunan.

        Buti na lang at hindi sumasabak sa kalakaran ng ibang kandidato itong si Cayetano. Kita n’yo naman, kahit noong kasagsagan ng ECQ at MECQ, tuloy-tuloy pa rin siya sa pamimigay ng 10K ayuda at puhunan para sa mga sari-sari stores. Walang dudang humahanap siya ng solusyon at gumagawa ng paraan para maisalba ang buhay at kabuhayan ng mga Filipino, samantala ang iba riyan ay  puro dada at puro pamomolitika ang ginagawa.

        Hoy, bulok na ‘yang mga style ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …