Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

QCPD director ‘natameme’ sa pekeng swat? (Reklamo dahil sa karahasan at loose firearms)

091421 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INIREKLAMO sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang kawalan ng aksiyon ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra sa loob ng mahigit apat na araw na sapilitang pagpasok at pag-okupa ng mga armadong kalalakihang nagpanggap na SWAT sa isang pribadong lote sa New Manila, Quezon City.

Sa panayam kay Atty. Levito Baligod, manugang ng may-ari ng pitong ektaryang lupa na pag-aari ni Marlina Veloso Galenzoga, binigyang diin nito na hanggang sa kasalukuyan ay nagtataka sila sa kawalan ng aksiyon at pag-iwas umano ni Yarra na harapin man lang sila, sa kabila ng kanilang pagsusumikap na makipag-ugnayan dito noong 11 Setyembre 2021.

“Nagtataka po ako sa QCPD, hindi man lang kami hinarap at inaksiyonan, masyadong malamig po ang pakikitungo nila sa amin. Nagtungo ako sa Camp Karingal matapos magpaabot ng pakikipag-ugnayan sa kaniya, subalit narinig ko via handheld radio na ang instruction n’ya ay papuntahin na lang daw kami sa Station 11 sa Galas,” pahayag ni Atty. Baligod.

Batay sa impormasyong nakalap, naunang nagpanggap na mga pulis na may hinahabol na kriminal ang mga nakasuot ng uniporme ng SWAT nang makipag usap sa mga guwardiya ng Black Knight Security Agency. Dahil nakiusap, pinahintulutang makapasok ang dalawa sa mga kalalakihan. Ngunit puwersahang pinasok ng tinatayang 70 kataong pawang mga armado ang pribadong lote.

“Puwersahang kinuha ang mga personal na gamit, wallet, mobile phone, handheld radio, at service firearms ng aming mga nakatalagang guwardiya. Pinagbantaan silang babarilin at ang iba sa kanila ay inapakan pa sa mukha,” dagdag ni Atty. Baligod. 

Dahil dito, inilapit ng mga biktima ang hinaing sa puwersahang pagkubkob sa kanilang lupain ng mga armadong kalalakihan sa tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na mabilis namang umaksiyon.

Sa inisyal na resulta ng atas ni Belmonte sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA), at QC Legal Office, nadiskubre na aabot sa 28 ginamit na baril ay loose firearms na posibleng maging batayan para sa warrantless arrest sa ilalim ng Republic Act 8294.

Kasabay nito, nanawagan si Atty. Baligod kay Eleazar na aksiyonan ang pangyayari sapagkat naniniwala silang nagamit ang pulisya sa paggawa ng krimen.

Ayon kay Baligod, “Nakikita natin ang pag-aksiyon ni Chief PNP sa mga reklamo ng sambayanan. Naniniwala kami na tapat ang kaniyang hangarin na magpatupad ng ‘internal cleansing’ sa hanay ng pulisya.

“Hindi ordinaryong krimen ang nangyari, armado, may karahasan at ang importanteng aksiyonan n’ya ay mga pulis ang involve. Pinasok nila ang property namin, naka-uniporme ng SWAT at walang nameplate,” pagtatapos ni Baligod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …