Thursday , November 21 2024
Mark Villar
Mark Villar

Si Mark ‘masipag’ sa TV commercials (Para maagang makapambola)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NARIRINIG natin ito sa political advertisement ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi natin maintindihan kung masipag na DPWH Secretary? Masipag mag-photo op? Masipag sumakay ng eroplano o chopper lalo kung sa mga probinsiya pupunta para ipagmalaki ang infra project o Build Build Build na parang pera niya ang ipinagpagawa?

Saan nga ba masipag si Mark Villar?!

Kung sasabihing si Mark Villar ay masipag sa mga kompanya ng kanilang pamilya, aba, normal lang  ‘yan, family business ‘yan e.

Mantakin naman ninyo ang negosyo ng mga Villar, may mall, may sinehan, may appliances center, may convenience store, coffee shops, may real estate properties mula subdivisions, condominiums, luxury resort at marami pang iba.

Ganyan kasipag, hindi lang si Mark Villar kundi ang kanilang pamilya.

Sabi nga ng tatay niyang si dating Senate President Manny Villar, sipag at tiyaga, ang kanyang puhunan  kaya naabot niya ang kanyang mga pangarap.

Wow! Made na nga ang mga Villar pero nagtataka tayo bakit kailangan pa nilang pakyawin ang puwesto sa gobyerno?

Kung made na sila, ano pa ang gusto nilang patunayan?!

May senador, may congresswoman, may department secretary, may undersecretary, may consultant, at may real estate mogul.

Bukod pa ‘yan sa mga relatives na may hawak ng local government unit (LGU) kung saan sila nakatira.

Aba, walastik nga ‘e!

Ibang klase ang mga Villar!

Kumustahin naman natin kung paano sila magtrabaho…

Paano nga ba?!

Poproteksiyonan ba nila ang mga mamamayan at ang buong bansa?!

Isang tanong lang po, bukod sa ‘nag-iisang saging na saba at nilagang itlog,’ mayroon pa ba naibigay ang mga Villar sa mga kababayan nating hikahos na noong walang pandemya pero lalo pang naging isang kahig isang tuka ngayon dahil sa pandemya?

Nagpahigop ba sila ng ‘libreng kape’ mula sa mga coffee shops nila para sa mga kababayan nating riders, commuters, at mga naglalakd dahil naghahanap ng trabaho? May suspended coffee ba ang mga coffee shops ng mga Villar para sa mga kababayan nating nagugutom??

Wala!

Mukhang hindi uso sa kanila ‘yun dahil baka mabawasan ang mga kayamanan nila.

Tsk tsk tsk…

Kaya naman pala napakasipag mag-TV ads ni Mark Villar, gusto niyang matiyak ang panalo niya sa 2022 elections.

Mga suki, gusto ba nating manalo sa eleksiyon ang mga Villar?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *