Rated R
ni Rommel Gonzales
NAGDIWANG ng kanyang ika-29 kaarawan noong August 7 si Jeric Gonzales, kaya tinanong namin ang Kapuso hunk, since nadagdagan ng isang taon ang edad niya kung ano ang nabago sa kanya?
“Nagbago sa akin? Wala, bumabata pa rin ang itsura natin,” at tumawa si Jeric.
“Nagbago sa akin ‘yung maturity, lalo na sa nangyayari ngayon, ito ‘yung sa pandemic, kailangan talaga alagaan natin ‘yung sarili natin palagi.
“Importante ‘yan, lalo na ‘yung mga mahal natin sa buhay.”
Binanggit din ni Jeric ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19.
“Kailangang-kailangan ‘yan, so ako nagpa-vaccine ako agad para protection din sa lahat ng nakakasama ko, lalong-lalo na sa pamilya ko.
“Lalo na sa parents ko, senior na ‘yung parents ko.
“So iyon ‘yung nagbago, maturity and then ‘yung sa work naman, ayun nga, gusto ko rin, more work, ‘yung pelikula sana, kahit na indie, so sana hopefully, soon magkaroon,” sabi pa ni Jeric.