Sunday , December 22 2024
Liza Diño, FDCP
Liza Diño, FDCP

FDCP Chair positibong magbubukas din ang mga sinehan

Rated R
ni Rommel Gonzales

WALANG ibang hangarin ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman na si Liza Diño-Seguerra kung hindi ang muling mabuksan ang mga sinehan.

Sa ngayon kasi ay hindi pa bukas ang mga sinehan dito sa Pilipinas dahil  sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Pero naniniwala si Chair Liza na sa nalalapit na panahon ay mae-enjoy na nating muli ang panonood sa loob mismo ng sinehan na lahat ng manonood ay ligtas at protektado mula sa bangis ng COVID-19 at mga variant nito.

Ibang-iba rin naman kasi talaga ang pakiramdam kapag sa sinehan mismo nanonood ng pelikula, malayong-malayo sa panonood online sa computer o telepono.

Patuloy ang pakikipag-meeting ni Liza sa IATF o Inter-Agency Task Force para masolusyonan agad-agad ito dahil maraming mamamayan, kabilang na kami, ang nananabik na muling makapasok sa loob ng sinehan.

Sa pagkakaalam namin, sa ilang mga bansa, bukas na ang sinehan sa mga taong fully vaccinated na. Rito sa atin, abang-abang tayo kung paano isasakatuparan ito.

Samantala, ipinagdiriwang ng FDCP ang pinakaunang Philippine Film Industry Month. With the theme, Ngayon Ang Bagong Sinemula, isang  buwan itong ipagdiriwang ng FDCP para i-celebrate at i-commemorate ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema at para highlight ang invaluable contribution at sacrifices ng lahat ng stakeholders at sectors ng Philippine film industry ngayong September bilang mandated ni President Rodrigo Duterte sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1085.

Kaya para sa lahat ng film workers at fans, let us celebrate this month by supporting exciting events, special screenings, and programs prepared by FDCP as the lead agency in observing this inaugural celebration in the film industry.

About Rommel Gonzales

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *