Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis, Yen Santos

Paolo inaming si Yen ang kasama sa Manaoag

HATAWAN
ni Ed de Leon

FINALLY, inamin na rin ni Paolo Contis na siya ang may kasalanan sa naging paghihiwalay nila ni LJ Reyes at sa kanya rin mismo nanggaling na “naging gago ako.” Nakiusap din siya sa mga tao na huwag nang i-bash pa ang ibang mga tao, lalo na ang mga kumampi pa sa kanya dahil “wala naman silang kasalanan. Ako lang.”

Hindi rin niya naitanggi na nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon at isa iyon sa mga dahilan kung bakit nasira ang kanilang pagsasama, pero noon pa raw iyon at hindi siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Hindi rin niya naikaila na si Yen Santos nga ang sinasabing “mystery woman” na nakitang kasama niya at ka-holding hands pa sa Manaoag, Pangasinan. Pero sinabi niyang si Yen ay kaibigan lang, kinumbida niya noong magbakasyon siya sa Baguio matapos na maghiwalay sila ni LJ ng isang araw lamang para mayroon siyang makausap. Medyo malayo iyan sa nauna niyang post na nangatuwiran pang paano raw nasabing siya iyon eh may face mask. Gayunman, pinanindigan niyang wala silang relasyon ni Yen kundi kaibigan lang.

Tama ang ginawang iyan ni Paolo, after all wala naman siyang choice kundi aminin ang kasalanan. Hindi man niya aminin iyon, dahil sa internet interview ni LJ na nakakuha ng simpatya ng mga tao, wala na siyang magagawa. Marami kasi ang nag-download ng interview na iyon sa internet at nai-post iyon sa iba’t ibang sites at maging mga personal accounts sa social media. Sa panahong ito, wala nang depensa ang mga artista dahil sa mga usapan sa social media, na marami ang mga pakialamero, mga “pabida” at mga “mema.”

At saka ang nangyari kasi, parang burned na rin si Paolo dahil sa halos kaparehong ending nila ng naunang asawang si Lian Paz.


Ang nangyari kay Paolo, para rin iyong nangyari kay Gerald Anderson na nabantad na ang mga tao sa kanyang mga katuwiran, kaya ano mang
damage control ang gawin nila, hindi na rin kinakagat ng mga tao at ang sinasabi ay, “talaga namang ganyan siya eh.” Sa ngayon, hindi mo masasabing makakabangon agad si Paolo. Siguro dapat magpalipas pa siya ng panahon. Magpa-good boy siya ulit. Dahil kung masasabit pa siya sa isa pang controversy, baka hindi na siya makabawi. Sayang siya, talented pa naman talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …