Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali, Miguel Tanfelix, BiGuel
Bianca Umali, Miguel Tanfelix, BiGuel

Bianca sobrang iniyakan si Miguel

Rated R
ni Rommel Gonzales

TRENDING ang guesting ni Bianca Umali sa The Boobay And Tekla Show nitong Linggo, September 5.

Sa May Pa-Presscon segment at sa segment na aktingan challenge o Ang Arte Mo ay si Miguel Tanfelix ang naging topic.

Matagal na magka-loveteam ang dalawa noon at hindi naman inilihim ni Miguel ang panliligaw sa dalaga.

Kumalat nang husto ang tsika na may relasyon sila noong mga panahon na magka-loveteam sila pero hindi sila umamin.

Going back sa guesting ni Bianca sa TBATS kamakailan sinabi nito na, ”Okay kami ni Miguel. Nagkikita pa rin naman kami when we have work at nakakapag-guest ako sa ‘All-Out Sundays,’ dito sa GMA, ganyan.

“We’re very okay, kasi hindi naman biro ‘yung tagal ng samahan namin noong magka-love team kami bilang BiGuel.

“So, I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career namin sa isa’t isa. So, sa ngayon kapag nagkikita kami, talagang okay naman.”

Sa Ang Arte Mo segment, pina-reenact sa kanila ang madramang eksena sa Sahaya na umiiyak si Miguel na sinasabi niyang nadudurog siya tuwing nakikita niyang masaya si Sahaya (Bianca) kasama ang iba.

Nang inarte uli ito ni Bianca, kasama sina Boobay at Tekla, tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ng Kapuso actress.

Kahit medyo komedya ang delivery ng dalawang komedyante, tuloy ang pag-iyak ni Bianca.

Isa raw iyon sa pinaka­paborito nilang eksena ni Miguel.

“Naalala ko ‘yan kasi pinag-uusapan namin kung paano naming gagawin, kasi noong araw na ‘yan, pagod na pagod na kami.

“Madaling araw na ‘yun. Tapos, eto ‘yung last namin na eksena, eh, malaking bagay ang eksena na ‘to sa story,” pahayag ni Bianca.

Saan sila humugot ng emosyon para sa madramang eksenang iyon?

“Siguro masasabi ko na lang… Paano ba? Every time na aarte kami ni Miguel na magkasama, mayroon kaming hugot na personal at mayroon kaming hugot na na-share namin parehas.

“At may respeto kami sa feelings ng isa’t isa,” sinabi pa ni Bianca.

Kasalukuyang napapanood ang husay ni Bianca bilang aktres sa Legal Wives kasama sina Andrea Torres, Alice Dixson, at Dennis Trillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …