Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LJ Reyes, Paolo Contis Lian Paz
LJ Reyes, Paolo Contis Lian Paz

Pag-iwan ni Paolo Contis kay LJ replay ng kay Lian

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isa kaming kaibigan na nagpadala ng kopya ng video. Interview iyon ng dating TV show na Startalk sa member ng EB Babes na si Lian Paz. Sinabi niyang panoorin namin iyon ng buo at himayin namin. Tapos sumunod niyang ipinadala sa amin ang video ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes. Sinundan niya iyon ng tanong na ”replay?”

Iyong interview ni Lian sa Startalk  mahigit anim na taon na ang nakararaan. Iyong interview ni LJ kay Boy, mga anim na araw lang yata ang nakararaan. Pero halos iisa lang ang kanilang sinasabi tungkol sa isang taong nakarelasyon nila, si Paolo Contis.

Sina Lian at Paolo ay nagsama ng tatlong taon, may dalawa silang anak na babae. Matapos ang tatlong taong pagsasama, nakipaghiwalay si Paolo kay Lian at sinabing ginagawa niya iyon para sa mas lalong kabutihan ni Lian. May himig din naman noong may “third party” din sa kanilang relasyon. May himig ding may kinalaman ang pananalapi sa kanilang paghihiwalay.

Mas matagal na nagsama sina LJ at Paolo. Tumagal ang pagsasama nila ng anim na taon, pero isa lang ang kanilang nagging anak, si Summer. Pero batay sa salaysay ni LJ sa kanilang paghihiwalay ni Paolo, iisa ang style at iisa halos ang dahilan ng paghihiwalay.

Tapos sabi nga niya, hindi lang naman siya ang may ganoong obserbasyon, marami rin daw netizens ang nagsasabi ng ganoon din.

Pero mukhang mali rin namang sabihin natin na style na talaga ni Paolo iyon. Maaaring nagkataon lang na iisa rin ang nagging dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay sa dalawang babaeng nakasama niya sa buhay. Pero ang mahalaga siguro ay kung paano niya mapananagutan ang kanyang mga anak. Si Lian ay muling nag-asawa matapos makuha ang annulment ng kasal nila ni Paolo. Kay LJ hindi naman siya kasal. Hindi natin alam kung sinusustentuhan nga ba ni Paolo ang dalawa niyang anak kay Lian o inako na ba ng asawa niyon ang pagpapalaki sa mga bata. Wala pa rin namang usapan sina LJ at Paolo kung susustentuhan nga ba niya si Summer, pero ang desisyon nga ni LJ ay lumayo na muna.

Sa susunod, kailangan lang na huwag magmadali sa pakikipag-relasyon si Paolo, dahil baka may lumabas na namang ganyang interview eh sobra na iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …