Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson nag-invest ng $100-M sa South Korea

Chavit Singson nag-invest ng $100-M sa South Korea

HABANG nagsusyuting ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin sa  mala-palasyong bahay ni Mayor Chavit Singson sa tabing dagat sa Narvacan na halos katulad ng mga nagsisipag­lakihang bahay ng mga super sikat na Hollywood personalities sa California, nasa South Korea ang masipag at galanteng alkalde para mag-invest ng $100-M sa nasabing bansa.

Katatapos lang pumirma si Mayor Chavit ng memorandum of understanding para sa $1.7-B resort development project. Kasama ng butihing mayor dito ang Gangwon Province government, East coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai  Asset Management Co.. 

Kasali  sa proyektong ito ang pagpapatayo ng resort centers at ocean complexes sa Donghae City, na nasa 260 km silangang bahagi ang layo mula Seoul.

Plano rin ng LCS Group na pinamumunuan ni Mayor Singson ang pagbili ng properties para sa mga sarili nitong business doon. 

Ang LCS group ang pinakaunang Philippine company na nag-invest para sa real estate development project sa South Korea. 

Pagdating dito sa Pilipinas, ang group of companies ni Mayor Chavit ay nakatutok sa mining, transportation, defense, logistics, at telecommunication towers.

Bukod sa pag-i-invest ng madis­karteng mayor sa South Korea, tinututukan din ni Mayor Singson ang pag­papalagay ng solar panel para sa bagong parking lot ng public market sa Narvacan, Ilocos Sur. Ang solar panel ang pagmumulan ng supply ng koryente para sa charging stations ng electric jeepneys sa nasabing lugar. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …