Tuesday , November 5 2024

Casino sa boracay, dagdag solusyon ng gobyerno sa pandemic?!

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MATAPOS katigan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng online sabong o e-Sabong, sumulpot naman ngayon ang operasyon ng casino sa Isla ng Boracay.

        Pinayagan ang e-Sabong dahil mas malaki pa raw ang inihahatag nito kaysa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) o ‘yung online pasugal ng mga dayuhang Chinese.

        E baka naman, ‘yung operator/s lang ng e-Sabong ang talagang yumayaman?!

        ‘Yang POGO naman, alam ng lahat na ‘yan ang dahilan kung bakit hindi nag-total lockdown ang bansa laban sa pandemya. Kasi raw baka dumilat ang mata ng Malacañang ‘este’ ng mga Pinoy kapag wala nang pumasok na POGO na noong mga panahon na ‘yun ay sinabi ng Duterte Admin na pinagkukuhaan nila ng pondo.

        Sa madaling sabi, kahit malaki ang tsansa na pumasok ang CoVid-19 sa bansa dahil sa mga dayuhang Chinese, hindi kayang isara ng gobyerno ang Airport.

        And the rest is history… isa na ang Filipinas ngayon sa may pinakamasamang CoVid-19 response sa Asya at sa buong mundo.

        At heto, dahil maraming industriya ang hanggang ngayon ay nakasara pa, binubuksan ngayon ng administrasyong Duterte ang Boracay para rito magsugal ang mga dayuhan.

        Ows para sa mga dayuhan lang ba talaga, ‘yan?

        Another super spreader activity na naman ‘yan!

        Kung sa bagay, dati nang may casino riyan sa Boracay, ‘yung Movenpick Resort & Spa Boracay. Solo lang niya dati ang casino riyan.

        Ngayon, naghahabol na ang Andrew Tan group of companies at ang isa pang casino na sinabing pag-aari ng mga sabong operators sa Metro Manila.

        Ibig sabihin, bukod sa Movenpick, mayroon pang dalawang bubuksang casino.

        Kung talagang nakatutulong sa gobyerno ‘yang mga ganyang klase ng negosyong sugal ngayong panahon ng pandemya, bakit maraming Filipino pa rin ang nagrereklamo na hirap na hirap na sila?!

        Ang tanong lang natin: wala na bang ibang alam pagkakitaan ang gobyernong Duterte kundi sugal?

Marami pa pong natutulog na industriya na nakalimutan na yatang pabalikin o buhayin ng IATF?!

        Lalo na ‘yung hanay ng public transportation. Kapag ‘yan po ang binuhay, hindi na mahihirapan ang commuters, maipatutupad pa nang husto ang health protocols dahil hindi kailangan magsiksikan sa

iilang public transport na pinabibiyahe.

        Eksampol lang po ‘yan, na ang ibig nating sabihin, kung gustong kumita ng gobyerno, panahon na rin para pakitain ang mga mamamayan na matagal nang hindi nakapagtatrabaho.

        Pakiusap lang po: ‘wag mahirati sa sugal, kung mayroon namang trabahong legal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *