Kinalap ni Tracy Cabrera
MANILA — Libu-libong mga seaman ngayon ang nasadlak sa kahirapan makaraang lumabis sa trabaho sa kanilang mga kontrata sanhi ng epekto ng pandemya ng coronavirus sa manning industry sa buong mundo kaya hinihiling ng mga maritime group kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang cap para sa dumarating o umuuwing na mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa ibang bansa.
Sa isang liham sa punong ehekutibo, hinayag ng Association of Licensed Manning Agencies (ALMA) Maritime Group, na binubo ng may 59 na lisensyaong mga manning agency (LMA), na kailangan nila ng dagliang intervention ng pangulo para iutos sa airlines na ibaba ang kanilang mga pamasahe na may zero hanggang minimal rebooking charges, bilang pagbigay rekognisyon sa naiaambag ng tinatawag na ‘modern day heroes’ sa aring ekonomiya.
Ayon kay ALMA trustee at Labor and Employment External Affairs sub-committee chair Atty. Iris Baguilat, ang kahilingan kay Duterte ay paghiling muli ng pagtataas ng sa inbound flight passenger limit sa naunang liham at gayun din ang karagdagang mga quarantine facility sa parating na mga crew.
Hinayag din ni Baguilat ang kanyang pasasalam at sa datiung aklakde ng Davao City sa matibay na paninindigang pabor sa mga OFW at ang pagsuporta nito sa kapakanan, kaligtasan at employability ng mga tripolanteng Pinoy.
Sa ngayon na responable ang ALMA para sa deployment ng mahigit 160,000 seaman sa iba’t ibang mga shipping company, pinapanukala din ng maritime group ang bagong polisiya habang tinutugunan ang usapin ng pagpapaluwag ng 2,000 limitisayon sa mga inbound pasahero at pagbibigay ng karagdagang mga hotel room para sa kuwarantina ilalaan sa mga tripolanteng pauwi na ng bansa.
“In short, we seek to exempt the Filipino seafarers from the passenger limits without a need for a specific exemption per case. Additionally, we call for authorities to direct the airlines to honor the Filipino seafarers’ marine fare to become cheaper compared to the normal booking rates and fully flexible to changes with zero to minimal rebooking charges,” pagtatapos ni Baguilat.