Rated R
ni Rommel Gonzales
ANG lady director na si Arlyn dela Cruz ang gumawa ng indie movie na Nang Dumating Si Joey na pinagbibidahan nina Allan Paule, Rash Juzen, at Francis Grey.
Kasalukuyan itong available via streaming sa KTX.PH hanggang September 30.
Isang wholesome gay drama film ang pelikula pero wala itong eksenang lovescene ng lalaki sa lalaki pero may pasabog na ipakikita sa isang eksena ang dating Eat Bulaga! Mr. Pogi finalist na si Francis.
Babae ang director kaya natanong ito kung hindi ba siya nahirapang magdirehe ng isang gay film.
“Hindi naman mahirap kasi hindi ako gumawa ng steamy scenes, walang halikan. Walang ganoon kaya hindi ako nahirapan.
“Kumbaga ‘yung treatment ko sa pelikulang ito although LGBTQ ang tema nito, mas nag-focus ako sa relasyon ng indibidwal, niyong character sa character na nakasalamuha niya.
“In this case sa main character ni Sandra [Allan] at ni Joey [Francis] kung paanong nag-krus ang kanilang landas.”
Wala mang gay lovescene sa pelikula, tiyak na makare-relate ang mga miyembro ng gay community.