Rated R
ni Rommel Gonzales
ISANG freak accident ang nangyari kay Aiko Melendez noong Martes ng gabi, August 31, sa tahanan nila sa Quezon City. Ang dahilan, ang maanghang na ramen.
Ayon kay Aiko, kumakain siya ng ramen na hindi niya alam eh sobra pala ang anghang. Nahilo siya at biglang tayo papuntang lababo para sumuka.
At dahil nahihilo, humampas ang ulo ng aktres sa lababo kaya nagkaroon siya ng malalim na sugat malapit sa kaliwang mata.
Agad-agad na isinugod si Aiko ng anak niyang si Andre Yllana sa General Malvar Hospital sa Quezon City.
Hindi naman na-confine ang aktres at sa emergency room lang tinahi ang malalim na sugat. Inabot iyon ng 11 stitches para maisara.
Pinasalamatan ni Aiko ang doktor na si Dr. Dacon na siyang tumahi ng sugat.
Bandang alas singko ng umaga na nakauwi na sina Aiko at Andre. Hilong-hilo pa rin si Aiko pero alam niyang bubuti rin ang kanyang pakiramdam. Naka-quarantine muna siya ngayon para makatiyak dahil na-expose siya sa ER ng ospital. Pero tinest naman siya sa General Malvar Hospital at negative ang resulta.
Ipinagdarasal lang niya na huwag magka-keloid ang sugat niya lalo pa at nasa mukha niya ang sugat.
Isa pang ipinag-aalala ni Aiko ay ang nalalapit na lock in taping niya para sa book 2 ng Prima Donnas ng GMA.
September 7 ay nakatakda na silang sumailalim sa swab/antigen test bago mag-lock in. Pero nananalig si Aiko na gagaling na kahit paaano ang sugat niya bago mag-taping.
Nagmarka nang husto ang papel ni Aiko sa Prima Donnas bilang si Kendra kaya naman kasali siyang muli sa book 2 ng toprating GMA series.