Rated R
ni Rommel Gonzales
STILL on Nang Dumating Si Joey, sa gitna ng pandemya ng Covid-19 nila ginawa ang pelikula, kaya nag- lock in shooting sila sa loob ng halos isang linggo para gawin ito.
Kung matapos na ang pandemya at normal na muli ang sitwasyon, mas pabor ba si Allan Paule na manatili ang sistema ng lock in shooting o taping, o ibalik sa dati na uwian ang mga taong involved sa produksiyon ng isang pelikula o TV show?
“In a way pabor ang lock in taping kasi wala kayong alisan sa isang lugar. But then again doon sa mga supporting role na kagaya namin, minsan kasi isang buwan ka roon tapos limang araw ka lang magte-taping.
“So ‘di ba, parang sa isang buwan parang sayang ‘yung days na naka-lock in ka roon. Siguro, puwedeng pagkasunduan ng industry na mayroong at least ten days guaranteed na taping.
“Para hindi naman lugi ang mga artista. Actually minsan, may nakakuwentuhan nga ako, sa isang buwan, isang araw lang siyang nag-taping.
“Wala siyang magawa. Eh ‘di ba, lock in, pandemic, so hindi rin siya makauwi dahil nga hindi rin siya makakapasok kasi naka-bubble, kasi sabay-sabay silang umalis, sabay-sabay din silang babalik, kailangan.”
Maganda nga ang suggestion ni Allan na guaranteed ten days na trabaho.
“’Di ba? At least, at least may guaranteed taping. Kung sa shooting kung seven days may guaranteed ka na at least two-three days mayroon kang guaranteed. So sana ganoon para fair naman,” paliwanag pa ni Allan.