Saturday , April 26 2025
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea wala pang balak pakasal kay Dominic

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ni Bea Alonzo na wala pa silang balak na pakasal ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Ang pag-amin ni Bea ukol sa taong nagpapasaya at dahilan ng pagiging blooming niya ay isinagawa sa BD live BD TV Live sa Beautederm FB page bilang bahagi ng Beautederm’s spectacular Royale Beauté 12th anniversary celebration with Korina Sanchez at Marian Rivera.

“I’m very very happy and very grateful,” sabi pa ni Bea sa show na ang host ay sina Darla Sauler at Luke Mejares na mga kapwa niya ambassadors  ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan.

Sa tanong na kung plano na ba nilang magpakasal ng kanyang BF, ”Ah no, actually parang it’s too early for that. Parang masyado pang maagang pag-usapan iyan at saka sa ngayon kasi parang, hindi ba sinasabi nga nila, you shouldn’t follow a timeline, may sari-sarili tayong timeline.”

Dagdag pa nito, ”Pero iniisip ko, kasi, I have a lot of dreams pa rin, I have a lot of things that I still want to do.

“So siguro darating din doon, but I don’t want to pressure myself into doing something I am not ready to do yet.”

At nang matanong naman ito sa kung paano ba siya pumipili ng produktong kanyang ine-endorse, ito ang pahayag ni Bea. ”I have to believe in the product, kasi kung hindi, para namang niri-rip off ko iyong mga bibili na fans ko, kung sakaling bibilhin nila iyon dahil in-endorse natin.

“I feel na we have the responsibility to our audience, hindi ba? So, ayaw ko naman na hindi ko pala ginagamit, tapos ine-endorse ko na gamitin nila. So, iyon ang main factor sa pagpili ko kung ano ang ie-endorse.”

At sa dinami-dami nga ng magagandang produkto ng Beautederm ay bakit Etre Clair Refreshing Mouth Spray ang ini-endorse nito?

“Yes, maraming products ang Beautederm and they’re all good.

“Why Etre Clair, because as you know, we are facing the new normal and ang daming nagbago sa buhay natin. So, even our essentials, what we put inside our bags, what we use everyday, nag-iiba rin, hindi ba?

“So parang feeling ko, isa ito sa essentials na dapat talagang dalhin ng mga tao ngayon.

“Because not only does it leave your mouth feeling fresh and smelling fresh, talagang it also protects your mouth from mga harmful viruses or bacteria that could cause respiratory diseases. Or even ‘yung mga tooth and gum problems, and it’s also alcohol free, so, it’s very healthy for you.

“I feel like na sa ngayon, dapat lahat ng tao ay may dala nitong Etre Clair Refreshing Mouth Spray, it’s very vital.

“Ang recommended nila is three times a day ka mag-spray. Pero ako I spray more than that, lalo na kapag minsan ay parang nangangati lalamunan natin, minsan parang praning din ako, kasi siyempre, may virus, may covid. So, I spray lang and then after a while, it goes away.”

Binati rin ni Bea ang Beautederm. ”Happy 12th anniversary to my Beautederm family. You know, I am very honored and proud to be a part of this ever growing family. I know that this is just the start, I know that you will continue to inspire and give joy to so many people. So, cheers to more years of success and happiness,” pagtatapos na pahayag ni Bea.

About John Fontanilla

Check Also

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …

Junell Hernando Nora Aunor Christopher De Leon

Dating child actor masuwerte na nakatrabaho si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ng dating child actor at isa sa bumida sa mga pelikulang  Magic …

Nora Aunor Judy Ann Santos

Juday kay Nora natutunan kababaan ng loob

RATED Rni Rommel Gonzales KAY Nora Aunor daw natutunan ni Judy Ann Santos ang pagpapakatotoo sa sarili, pati na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *