Kinalap ni Tracy Cabrera
MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magkaroon ng vaccination target para sa populasyon ng bansa.
Sa gitna ng pinaigting na vaccine rollout at vaccination program para sa Kalakhang Maynila, ipinanukala ng pribadong sektor ang tinatawag na mga ‘Bakuna Bubble’ para maprotektahan ang mga bakunado at hindi pa nababakunahan habang ang wala pang bakuna ay hinihimok na magpaturok ng available na CoVid-19 vaccine jabs.
Dangan nga lang ay kinontra ito ni Justice Secretary Menardo Guevara, na nagsabing “ang pagtatatag ng sinasabing vaccine bubble ay discriminatory at lumabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.”
“Imposing the proposal to segregate those fully vaccinated against CoVid-19 from the unvaccinated might face a legal challenge for discriminatory treatment,” punto ni Guevarra.
“If the proposal is implemented at this time, it can be challenged legally for being discriminatory,” babala ni Guevarra habang idinagdag na ang panukala ay wala sa panahon dahil hindi pa rin available ang mga bakuna sa maraming lugar sa bansa.
Ipinanukala rin ng pribadong sektor ang mga ‘bakuna bubble’ para makatulong sa pagpapabalik ng ekonomiya na lubhang naapektohan ng mga quarantine restriction dala ng inisyatibo ng pamahalaan na mapigilan ang pagtaas ng bilang ng impeksiyon ng CoVid-19, partikular sa paglitaw ng variants of concern ng coronavirus.