Thursday , December 19 2024
Globe at Home
Globe at Home

Problema sa koneksiyon? Aksiyon ng Globe At Home inaasahan sa panahon ng tag-ulan o lockdown

SA KASALUKUYANG pandemya, umulan man o umaraw ay sinisiguro ng Globe At Home na ang mga problema sa internet ng kanilang customers ay agad maaksiyonan.

Pursigido ang Globe At Home na maihatid ang pinakamahusay na serbisyo sa mga customer kahit sa tag-ulan, lalo lat mahalaga ang matatag at maaasahang internet connection sa panahong ang mga pamilya ay nagtatrabaho at nag-aaral sa bahay.

May mga programang naisagawa ang Globe At Home para sa pag-aayos ng mga serbisyo nito para mabawasan ang abala na maaaring maihatid ng malakas na pag-ulan at hangin sa internet connection ng mga customer, kahit pa may  quarantine restrictions mula sa gobyerno.

Ilan dito ang pagdagdag ng bilang ng technicians na tutugon sa requests ng customers, mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 safety protocols, at ang paggamit ng online apps nito upang makapag-apply ng request para sa mga repair o installment ng kanilang mga connection.

“Tinitiyak ng Globe na mananatiling connected ang mga customers para ma-enjoy nila ang aming services. 

“Ipinagpapagpatuloy namin ang aming serbisyong maaasahan, kaya gumagawa kami ng mga hakbang para masiguro na mapaglingkuran sila kung kinakailangan,” pahayag ni Margaret Dizon, Globe Vice President for Customer Field Services, Broadband Business.

Bukod sa pag-apply ng repair requests gamit ang mga online o digital channels tulad ng Globe At Home app, nagawa rin palaguin ng Globe ang bilang ng technical teams ng kanilang accredited install at repair partners ng halos 80% nitong taon kompara sa FY2020.

Tiniyak ng Globe At Home sa mga customer nito na mahigpit na sinusunod ng mga tauhan ng kompanya at ang mga kaakibat na authorized technicians nito ang mga COVID-19 safety protocol, kabilang ang pang-araw-araw na mga pagsusuri sa kalusugan, pagsusuot ng mga personal na kagamitan para sa proteksiyon (PPE) at mga gamit sa ulan, at pananatili ng pamantayan sa kalinisan.

Mahigpit na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng impaestruktura at pagbabago bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Safe SIM registration Globe

Safe SIM registration ipinaalala ng Globe

NAGPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga …

Converge Surf2Sawa Brgy S2S

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Palaro, at Papremyo Hatid ng Surf2Sawa at Converge sa Inyong Lugar

Metro Manila, Philippines – Ayon sa census (PSA 2020), halos 35 porsyento ng populasyon sa …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *