Tuesday , November 19 2024
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Mga internal na dahilan ng pagkakasakit (1) (Internal causes of sickness)

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

KARANIWANG ipinagwawalang bahala ng mga tao ang koneksiyon ng kanilang emosyon sa pagkakaroon ng karamdaman. Maaaring hindi natin napapansin ngunit madalas na pinangagalingan ng ating sakit ang nararanasan nating emosyon.

        Ang panloob o internal na kadahilanang ito ng pagkakaroon ng karamdaman ng tao ay may kaugnayan sa iniisip o pag-iisip (way of thinking) at sa mga nararamdaman (the way we feel).

        Iba’t ibang negatibong kaisipan at nararamdaman (negative thoughts and feelings) ang nararanasan ng bawat tao na maaaring pagmulan ng mga karamdaman.

        Gayon man, dapat din malaman maging ang magagandang nararanasan natin ay maaaring magdulot ng sakit kapag sobra.

        Ang mga sumusunod ay kinakailangang matutuhan nating isagawa nang katamtaman lamang o sa moderate level upang maiwasan ang madalas na pagkakasakit:

  1. Maging masayahin (happiness)

Maraming nakatutuwang bagay ang nakapaligid sa atin sa araw-araw sa kabila ng mga problema sa buhay. Hindi rin mahirap maging masayahin lalo’t kapiling natin ang ating mga mahal sa buhay. Para sa mga may karamdaman ay ipinapayo ang pagiging masayahin na makatutulong para sa mabilis na paggaling ng pasyente. May katotohanan ang ipinapayong ito lalo sa mga pasyente na nagiging malungkutin at bugnutin.

        Sa kabilang dako, ang sobrang pagsasaya at excitement ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng karamdaman. Isang halimbawa ng sakit na dulot ng over happiness ang atake sa puso o heart attack. Dahilan dito kung kaya’t pinapayohan ang mga may sakit sa puso na iwasan ang sobrang pagsasaya.

2.) Pagkagalit (anger)

May mga pagkakataon na ang pagkagalit ay hindi maiiwasan. Magkagayonman, hindi makabubuti sa kalusugan ng tao ang malabis na pagkagalit.

Kinakailangang matutunan ng bawat tao na makontrol ang init ng ulo. Ang sobrang pagkagalit ay nakaaapekto sa presyon ng dugo (blood pressure) ng isang tao at lumilikha rin ito ng epekto sa utak o neurological health ng pasyente.

3. Pagkalungkot (depresyon)

Dumarating sa buhay ng tao ang panahon ng kalungkutan lalo sa panahon ng pagkawala ng mahal sa buhay at iba pang pangyayaring nakalulungkot.

Kapag labis na naging malungkot ang isang tao at hindi nagawang libangin ang sarili para malimutan ang nakapagpapalungkot sa kanya ay nanganganib na maapektohan ang kanyang kalusugan .

Sa panahong nagdadalamhati ang isang tao ay apektado ang gana (apetite ) sa pagkain at pati na ang digestion nito. Kung lulubha ang kalungkutan o depression sa mahabang panahon at magpapatuloy ang kawalan ng ganang kumain ay madaling kakapitan ng sakit ang taong nasa ganitong sitwasyon.

(May kasunod sa Lunes)

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Krystall Herbal Oil

Dalawang anak na toddler alaga ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,           Isa po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *