Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu PBB house
Kim Chiu PBB house

Kim Chiu emosyonal sa Bahay ni Kuya

HATAWAN
ni Ed de Leon

MEDYO emotional ang post ni Kim Chiu nang madaanan niya ang dating PBB house na sarado na nga at may nakalagay na malaking number 10 sa harapan. Kung ano ang ibig sabihin niyon, hindi rin natin alam. Pero nauna roon may announcement din na magkakaroon doon ng bagong community.

Ang tingin namin, baka tayuan iyon ng townhouses o condominium para pagkakitaan naman. Hindi mo masasabing ibinenta iyon ng ABS-CBN dahil condominium developer din naman sila, at hindi ba noong araw may tsismis na iyang lugar nila sa Esguerra ay gagawin nilang condo na parang sa Rockwell at ililipat na ang operasyon ng ABS-CBN sa San Jose del Monte sa Bulacan na sinasabing may itatayo pang theme park na parang sa Universal Studios pero ang mga attraction ay batay sa kanilang TV shows at pelikula. In fact nagsimula na nga ng isang maliit na attraction noon sa Trinoma. Hindi lang masyadong nag-click. Hanggang ngayon, wala pang makapagsabi kung ano nga ba ang gagawin nila sa Bahay ni Kuya. Hindi rin naman wise kung pabayaan nila iyong ganoon na lang, dahil bumaba na rin naman ang popularidad ng PBB, at wala nga silang franchise para magbayad na naman ng franchise to air sa mga may-ari ng show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …