HATAWAN
ni Ed de Leon
“NOONG 2018, iyong cellphone ko ang na-hack, marami ang nagsasabing tine-text ko raw, ganoong ako mismo hindi ko magamit ang dala kong cellphone. Ngayon naman iyang FB page. Nagsimula iyang page na iyan noon para mas mabilis ngang maipaabot ng mga mamamayan sa akin kung ano ang gusto nila. Hindi ako mismo ang nagbabantay niyan. May admin at staff na nag-aayos lahat niyan.
“Iyong personal kong FB, iyon ang binubuksan ko. Hanggang noong isang araw, may nagsabi sa akin na may naka-post daw na porno. Noong sabihin ko alam na ng admin.
“Nakapag-request na raw sila ng investigation sa facebook mismo.
Nai-report na rin nila sa anti-cybercrime group ng PNP,” sabi ni Herbert Bautista mismo sa amin.
Actually ang dahilan daw kung bakit mine-maintain pa rin niya ang Facebook account na iyon ay dahil may mga mamamayan pa ring gustong magpa-abot ng mensahe sa kanya kahit hindi na siya mayor.
“Ayoko lang patigil iyon dahil sa tao rin. May mga inilalapit sa akin, hindi man ako mayor, mga kaibigan ko rin naman ang mga iyan. Kung makatutulong naman ako bakit nga ba hindi ko gagawin.
“Hindi naman ako tutulong lang dahil nakapuwesto ako,” dagdag pa ni
Bistek.