Wednesday , November 20 2024
Kylie Verzosa
Kylie Verzosa

Kylie nagpaka-wild sa The Housemaid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Kylie Versoza na wild ang unang pinagbibidahan niyang pelikula, ang The Housemaid ng Viva Films kasama si Albert Martinez at mapapanood na sa Setyembre 10, 2021 sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.  

Sa virtual media conference, sinabi ni Kylie na bagamat wild erotic thriller movie, may limitasyon naman siya sa kung ano ang kaya niyang gawin at hindi.

“Nagawa naman natin lahat pero siyempre as an actress, I still have few restrictions,” sambit ng 2016 Miss International.

Puring-puri naman ni Kylie ang pagiging supportive ng kanyang boyfriend na si Jake Cuenca sa career niya.

“With regards to Jake, I really consider him as my mentor. Sa kanya ako pumupunta kapag may mga advise ako na kailangan. Minsan nga siya talaga ‘yung itinuturing kong acting coach.

Siya rin ‘yung isa sa mga tao na nag-convince sa akin na gawin ito kasi magandang project. At sure ako na sasamahan niya ako na panoorin ito kasi sobrang supportive talaga ni Jake sa career ko,” ani Kylie.

Gagampanan ni Kylie ang papel ni Daisy, ang taga-pangalaga ng isang batang si Nami, anak ng bilyonaryong sina William (Albert), at Roxanne (Louise Delos Reyes) na may kambal sa sinapupunan.  

Kasama rin si Jaclyn Jose, (Ms. Martha), ang Mayordoma na nakaaalam ng lahat ng nangyayari sa mansion. Nariyan din si Madam Ester (Alma Moreno), ang ina ni Roxanne. Tulad ng kanyang anak, sunod-sunuran lang din si Madam Ester kay William, pero may panahon para protektahan niya ang kanyang anak.

Ang The Housemaid ay idinirehe ni  Roman Perez na hango sa South Korean film na ipinalabas noong 1960, at nagkaroon ng remake noong 2010, na ang orihinal na titulo ay Hanyo. Ang  Hanyo ay naparangalan  sa iba’t ibang international film festivals, kasama na ang Fantasporto sa Portugal, Oslo Film From the South Festival, at sa sarili nating Cinemanila International Festival. Naging nominado rin ito sa Palme d’Or, ang highest prize award sa prestihiyosong Cannes Film Festival.

Ayon nga kay direk Perez, pinanood niya ang dalawang Korean versions. Tiniyak niya na ang ginawa nilang The Housemaid ay nasa kontekstong Pinoy.  

Ito ang unang pagkakataon na pinakabida si Kylie sa pelikula. Tinanggap niya ito dahil naging curious siya sa karakter ni Daisy at challenging sa kanya na makasama ang mga batiking artista.

Aniya, pinag-usapan nila ni direk Roman ang limitasyon na pwede niyang ibigay sa pelikula, at buo ang tiwala niya sa estilo ng pagdidirehe ni Perez na umani ng papuri sa kanyang erotic thriller film na Adan.

Mapapanood ang The Housemaid sa Setyembre 10, 2021 sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *